Advertisers
- Ni ARCHIE LIAO
Sa isang panayam sa isang show sa YouTube channel, natanong si Angelica Panganiban kung sino ang napupusuan niyang gumanap ng Ruby kung sakaling ire-remake ang nasabing iconic serye na pinagbidahan niya noon.
Sey niya, walang iba raw siyang choice kundi ang Kapuso actress na si Barbie Forteza.
Aniya, sobra raw siyang bumilib sa ipinakitang galing ni Barbie sa “Kontrabida Academy” na napanood niya sa isang online streaming platform.
Umani naman ng samu’t-saring reaksyon sa kibitzers ang pahayag ni Angge.
May mga sumasang-ayon sa kanyang choice pero marami rin naman ang kumokontra.
Hirit ng ibang nagmamaldita, kulang daw sa elya factor ang aktres.
Ito ang ilan sa kanilang komento.
“She has the talent, and face card. Why not??”
“She can carry the drama ang comedy parts. But the sexy parts? Not sure, but let’s see.”
“narinig ko si eugene domingo HAHAHHAAH”
“Yeah, Ruby is all about sex appeal eh. Kaya di sya mahindian ng mga lalaki”
“Yeah she’s fierce, tsaka she’s got the face card for it naman talaga. Pero ayon, Ruby kasi as a character is very alluring eh. Malandi ganon hahaha. I just don’t see Barbie as that? Pero I’m willing to be proven wrong naman”
“Kung kaya ba naman nya ang pagiging seductress, why not?”
“No doubt Barbie is a versatile actress, but her doing Rubi or even similar to this genre na required ang pagiging sensual, barbie will never do something like this. Isa yun sa mga condition niya bilang actress na never siya makikipag kissing scene or doing sensual and daring scenes.”
“Sorry but wala syang sex appeal huhu”
“Barbie is a good actress, no question, pero kulang sa sensuality. Parang mas bagay kay Blythe or Kyline.”
“Nope. Wala sex appeal.”
“Parang perfect nga for barbie!”
“Because her character sa Kontrabida Academy mukhang pasok na pasok nga.”