Advertisers

Advertisers

Naniniwala Sa Husay Sa Acting Ng Social Media Personality! Dovie San Andres, Gusto Pa Ring Ma-idirek Sa Movie Ni Vic Lee Tiro; JC Regino, Pinagkakaguluhan Sa Amerika

0 23

Advertisers

Ni Peter S. Ledesma

One of few friends in showbiz of Social Media Personality Dovie San Andres, is Direk Vic Lee Tiro. Actually matagal ng magkakilala ang dalawa at laging pina-follow ni Direk Vic ang social media accounts ni Dovie. At noon pa man ay gusto ng ma-idirek sa pelikula ng said director si Dovie at nahuhusayan siya rito sa pag-arte. May mga dating upload videos kasi kasi si Dovie na umaarte ng iba’t-ibang character at dito nakita na pasado siyang maging magaling na artista.

Kaso mo, yung pangarap ni Tiro, ay naudlot dahil sa pagkakasakit ng hinahangaan niyang socmed star.

Gayunpaman umaasa pa rin si Direk Vic na magkaroon ng himala at makatrabaho niya si Dovie at anak nitong si Elrey Binoe na young Robin Padilla ang dating. Dalawang pelikula sana ang gagawin ni Dovie na kanyang ipo-produce na suspense-thriller na pagbibidahan niya at yung isa ay si Elrey Binoe ang lead na action-drama ang tema na si Vic Lee Tiro nga ang kanilang magiging director. At ito rin sana ang magte-train ng stunts at routine kay Elrey. Isa ring awarded director at actor si Tiro.

Buong pusong nagpapasalamat naman si Dovie sa director, dahil kahit na hindi pa natutuloy ang pinag-usapan nilang mga proyekto ay through messenger ay hanggang ngayon ay kinukumusta pa rin siya ng kaibigan niyang ito na isa ring actor at film producer ng kanyang GVT Films Productions. Hindi rin nakalilimot si Direk na i-greet siya tuwing may special ocassion like her birthdays at tuwing Pasko at Bagong Taon. At appreciated lahat ng ito ni Dovie. At ngayong araw, January 6 ay birthday pala ni Direk Vic. At dahil, marami ang nagmamahal sa kanya ay tiyak na marami ang makakaalala at babati sa kanyang kaarawan.

***

Kung dito sa Pinas, ay napakaraming followers ni GMA Artist JC Regino, lalong-lalo na sa kanyang social media accounts na may 735K followers sa official Facebook Fan Page. Sa San Diego California, Las Vegas at iba’t-ibang parte ng Amerika ay sikat rin si JC at dinudumog talaga ng crowd tuwing may concert. Yes bukod kasi sa may sikat na kanta o single na “BABYTAWAN” under GMA Records na humahamig na ng 1.2M views ang Music Video. Ay sobrang talented rin ang bunso(JC) anak ni the late OPM icon na si April Boy Regino at Madelyn Regino. Tulad ng kanyang Daddy April na mahusay na concert performer, ay mahusay ring mag-compose ng kanta si JC.

Samantala nabahiran ng lungkot ang sayang nadarama ni JC sa pagpanaw ng kanyang uncle Jimmy Regino. Dapat ay kasama nila ito ng kanyang Tito Vingo Regino sa matagumpay nilang concert na “JC REGINO AND THE APRIL BOYS” sa East Plaza Blvd National City, San Diego California last December 12. Nagsilbing tribute kay Jimmy ang nasabing soldout na konsiyerto na produced ng magandang sister ni JC na si Charmaine. Na producer rin ng concert ng kanyang Daddy April Boy sa San Diego, USA.

Pagbalik ng Filipinas ni JC, ay tiyak na dadagsain na naman siya ng mga out-of-town shows at siyempre dito sa Mega Manila. Ang kanyang dear Mom Madelyn, ang siyang nagha-handle ng kanyang showbiz career katuwang ng GMA Records.