Advertisers

Advertisers

TURBOPROP AIRCRAFT , NAGKA-ABERYA SA SIQUIJOR AIRPORT

0 23

Advertisers

TINIYAK ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na ligtas ang lahat ng pasahero dahil sa insidenteng naiulat sa Paliparan ng Siquijor ngayong araw, Enero 5, 2025.

Ayon sa ulat ng CAAP, isang sasakyang panghimpapawid na turboprop aircraft na pinatatakbo ng Sunlight Air, na may flight number RLB876 mula Mactan patungong Siquijor, ay nakaranas ng nose landing gear tire deflation habang lumalapag. Ang sasakyang panghimpapawid ay lumihis mula sa runway centerline at huminto sa runway.



Sa report ay ligtas ang lahat ng pasahero at tripulante, at walang naiulat na pinsala.

Sinabi ni CAAP Director General Retired Lt. Gen. Raul del Rosario, ang insidente ay nasa ilalim na ngayon ng evaluation sa pakikipag-ugnayan sa airline at aviation authority. (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">