Advertisers

Advertisers

4 katao huli sa iligal yosi sa checkpoint

0 27

Advertisers

Naaresto ang apat katao nang masabat sa isang anti-criminality checkpoint ang kanilang dalang mga kahon ng iligal na sigarilyo sa Brgy. Daramuangan Sur, San Mateo, Isabela.



Isinagawa ang pagkakaaresto ng pinagsanib na puwersa ng San Mateo Municipal Police Station (MPS), Provincial Intelligence Unit-Isabela Police Provincial Office (PIU-IPPO), at 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company (2nd IPMFC) habang nagsasagawa ng Anti-Criminality Checkpoint bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad at ilegal na aktibidad sa lalawigan.

Una rito, pinara ng mga awtoridad ang isang motorsiklo na may nakakabit na kulong-kulong, at isang Bajaj three-wheeled tricycle na kung saan napansin ng mga pulis ang mga kargang mga kahon ng sigarilyo.

Matapos ang beripikasyon, nabigo ang mga sakay ng sasakyan na magpakita ng anumang legal na dokumento na magpapatunay sa lehitimong pinanggalingan at pagmamay-ari ng mga sigarilyo. Dahil dito, agad silang inaresto dahil sa paglabag sa Section 263 ng National Internal Revenue Code (NIRC), na inamyendahan ng Republic Act No. 11467 (2020).

Sa ipinarating na ulat kay PCol. Manuel Bringas, Acting Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO na kinilalang sina alias “Jose”, 52 taong gulang ; alias “Juan”, 19 taong gulang; alias “Pepe”, 21 taong gulang na pawang mga residente ng Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela at alias “Pablo”, 46 taong gulang, residente ng Brgy. 4, San Mateo, Isabela.

Nasamsam mula sa kanilang direktang pag-iingat at kontrol ang sampung (10) kahon ng BON International NISE cigarettes na may tinatayang halagang humigit-kumulang P140,000.00.

Ang mga nasabat na ebidensya at apat na suspek ay dinala sa himpilan ng San Mateo Police Station habang inihahanda ang kasong isasampa sa apat na suspek.(Fidel Coloma)