Advertisers

Advertisers

Anne Curtis nakipagbalikan kay Jericho Rosales sa ‘The Loved One’

0 17

Advertisers

Ni Anne Venancio

Matapos ang kanyang acting return sa Philippine adaptation ng It’s Okay Not to Be Okay, balik big screen ang TV host/actress na si Anne Curtis sa pelikulang ‘The Loved One,’ katambal si Jericho Rosales sa direksyon ni Irene Villamor. Mapapanood na ito sa mga sinehan simula sa Pebrero 11.

Ito ang unang pelikula ni Anne matapos ang ‘The Mall, The Merrier,’ na entry niya sa 2019 Metro Manila Film Festival. Muling magsasama sa proyekto sina Anne at Jericho, na huling nagkasama sa pelikulang ‘Baler’ at seryeng ‘Green Rose.’
Sa inilabas na teaser ng Cornerstone Entertainment, makikita ang dating magkasintahan na muling nagkita matapos ang mahabang panahon. Samantala, nasa Australia ngayon si Anne kasama ang kapatid na si Jasmine Curtis-Smith dahil namayapa na ang kanilang ama, si James Smith, noong Enero 2, 2026, sa edad na 82.

Post ni Anne sa kanyang social media account:
“It is with profound sadness that we announce the unexpected yet peaceful passing of our father, James E. Curtis-Smith. A true patriarch in every sense, he shaped us with strength, resilience, and a wit that will forever echo in our family. He was deeply loved, endlessly admired, and will live on in our hearts always. We will miss him dearly.” —The Curtis-Smith Family

***

Janella Salvador at Klea Pineda lantaran ang ka-sweetan sa harap ng pamilya

WELCOME na si Janella Salvador sa pamilya ni Klea Pineda kung saan magkasama nilang sinalubong ang Bagong Taon.
Sa Facebook post ni Klea, makikita ang larawan ng dalawa kasama ang kanilang pamilya na may caption: “Late post, but we’re sooooo ready for you 2026!” Kagagaling lang nila sa bakasyon sa Los Angeles, California. Matatandaang nagsimula ang kanilang closeness sa Cinemalaya film na ‘Open Endings.’

Si Janella ay may anak sa ex-boyfriend niyang si Markus Paterson, na bumalik na sa UK, habang si Klea naman ay dating karelasyon ni Katrice Kierulf.

***

PBB housemates starstruck sa pagpasok ni Nadine Lustre sa Bahay Ni Kuya

STARSTRUCK ang mga housemates sa pagpasok ni Nadine Lustre sa Bahay Ni Kuya para sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na bumisita ang aktres sa PBB house.

Base sa ipinakitang eksena, kapansin-pansin ang pagkabigla at pananabik ng mga housemates nang makita si Nadine. Sa confession room, inamin ni Joaquin Arce na matagal na niyang crush ang aktres, habang ilan sa mga housemates ang natorpe at nahirapang kumilos sa presensya ng kanilang bisita. Maging ang mga babaeng housemates ay hindi naiwasang humanga kay Nadine.

Sa loob ng bahay, nakipag-usap si Nadine sa mga housemates at nagkuwento ng karanasan sa kanyang showbiz career kabilang na ang mga challenges na hinarap niya noong nagsisimula pa lamang siya sa industriya.

Ibinahagi rin ni Nadine ang kanyang karanasan sa pagganap bilang isang ina sa pelikulang ‘Call Me Mother.’ Nilinaw naman niya na wala siyang planong sumali sa anumang beauty pageant. Habang nagkukuwentuhan, naghanda rin si Nadine ng pagkain para sa mga housemates. Kaya naman lumabas ang aktres ng PBB house na masaya baon ang naging experience nito sa loob ng Bahay Ni Kuya,