Advertisers

Advertisers

COL REVITA, COL TIMOTEO, AT GEN. BADUA KALADKAD SA WEEKLY PAYOLA AT GOOD WILL?

0 23

Advertisers

TUMATAYO umanong “money maker” o kolektong sa talamak lantarang iligal na sugal ay mga aktibong pulis gamit ang mga opisina nina Oriental Mindoro Provincial Director PCol Edison Revita, Occidental Mindoro Provincial Director PCol Timoteo Espiritu at Police Regional Office MIMAROPA Regional Director PBGen. Jovencio Badua Jr.

Ayon sa insider ng BALYADOR, ilang taon na umanong pinangongolekta ng “goodwill” at “weekly payola” sa mga salot na iligal na sugal sa perya tulad ng color games at drop ball ang opisina ng mga nabanggit na police officials sa nasabing mga lalawigan.

Ika ng insider, ang style umano ng mga KOLEKTONG ng Regional Police Office -4B, CIDG-RFU, Regional Intelligence Unit, S2 at Police Provincial Offices ay huhulihin muna ang mga pasugalan bago ito tatarahan ng lingguhan. Tsk.tsk.tsk…

Ayon sa insider ng BALYADOR, ang weekly koleksyon na nakokolekta nina Sgt Manalo, Sgt Raymond, Sgt. Guco, at Sgt Hernandez ay para umano sa opisina nina Col Espiritu, Col Revita at Gen Badua.

Giit ng insider hindi umano bababa sa P60k hanggang P70k ang lingguhang intelihensya kapag bayan o lungsod ang lagay ng isang iligalistang peryahan namay sandamakmak na sugal na color games at drop ball bukod pa umano ang P200k bilang good will. Susmaryosep!

Tungkol naman sa payola sa jueteng sinabi ng insider na isang “Mayor” ang direktang nagdadala ng 15/30 na “payola” sa tanggapan umano ng CIDG-RFU 4B, Police Provincial Offices at Police Regional Office sa hindi mabatid na halaga.

Ika nga ng insider, hindi magiging garapal ang mga lantad na iligal na sugal kung wala itong basbas. MISMO!

Sa totoo lang ilang dekada ng namamayagpag ang mga salot na iligal na sugal sa 15 bayan/siyudad sa Oriental Mindoro ganon din sa 11 bayan sa Oocidental Mindoro ng walang bumubulabog.

Pakiwari tuloy ng mga residente sa dalawang probinsya walang gobyerno rito na sumusupil sa iligal na lantad ang presensya nito saan mangsulok sa Occidental at Oriental Mindoro na matatagpuan malapit sa palengke, plaza, Barangay Hall, Munisipyo, at Police Station.

Garapal at hayagan din na nagpapataya ang mga kubrador ng jueteng na may dalawang bola sa isang araw tanghali at gabi na ang mga tumatamang numero nakasulat lang sa mga lansangan at palengke.

Sabi ng insider, sa halip napagkilos tila may umiiral na katahimikan at pagpapabaya ang mga nabanggit na mga police officials.

Habang nagpapatuloy ang operasyon ng mga salot na sugal sa Perya tulad ng color games at drop ball maging ang jueteng.Dumarami ang nagiging biktima ng kahirapan, bisyo at kriminalidad.

Kung tunay na may malasakit sa bayan sina Col Revita, Col Espiritu at Gen. Badua, panahon na para ipakita nila na hindi sila kasabwat sa katahimikan.

Dekada nang umiikot ang pera ng mga salot na sugal – ngunit kailan pa kikilos ang mga dapat lumaban dito Acting PNP Chief PLt. Gen. Melencio Nartatez Jr. at DILG Sec Jonvic Remulla mga Sir!

May kasunod pa, kaya wag kayong bibitiw!

***

Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 0936-8625001/0939-7177977 o di kaya mag email balyador69@gmail.com

Lagi ring tumutok sa programang “BALYADOR” sa DWXR 101.7 FM tuwing biyernes 11:00am -12:00noon at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” over DWBL 1242 kHz AM Nationwide Mega Manila tuwing martes at linggo 2:30pm-3:30pm na mapapanood din sa YouTube at FB live.