Advertisers

Advertisers

JOAQUIN SOBRA ANG DESCRIPTION KAY NADINE ‘ARTWORK NI GOD’

0 19

Advertisers

Ni Beth Gelena

Ultimate crush pala ni Joaquin Arce ang award-winning actress na si Nadine Lustre.

Bumisita ang actress sa mga housemate ng PBB celebrity collaboration2.O kung saan isa sa housemate si Joaquin Arce, anak ng producer na si Neil Arce.

Na-starstruck si Joaquin nang nakadaupang palad si Nadine dahil ultimate crush pala niya ang aktres.

Bago humarap si Joaquin kay Nadine ay naligo muna ito at saka halos inubos ang pabango sa kanyang katawan.

Kita sa mukha nito ang pagbablush.

Nang tanungin ni Big Brother kung ano ang description niya sa aktres.

Ani ng binata: “Ang ganda nya po. Artwork po ni Lord. Wow!”

Maging ang ibang housemates ay aliw sa convo nila ng award-winning actress.

Nagbigay pa ng payo si Nadine sa mga ito.

***

COCOJULS MAGSASAMA SA ISANG PELIKULA

Ibinulgar ni Julia Montes ang bagong proyektong pagsasamahan nila ng long partner na si Coco Martin.

Kinumpirma niya sa isang panayam ang bagong movie project nila ni Coco at may dream teleserye rin daw siyang gagawin na excited niyang i-announce soon.

Bale reunion movie ito ng CocoJuls sa big screen matapos ang ilang taon nilang nagkasama sa pelikula.

Aniya ng may pagmamalaki, “May movie kaming gagawin ni Coco, so ayun. Isa rin ‘yun na excited ako na film kasi maganda yung istorya at looking forward talaga ako,” kwento niya.

Pagbahagi pa niya, “May dream project ako na serye na gagawin soon. Pag pwede na namin i-announce sasabihin ko.”

Si Julia at Coco ay huling nagkasama sa Netflix film na Pula noong 2024. Bago niyan, ang romantic movie nila ay A Moment in Time noong 2013. Sa ngayon ay co-producer sa FPJ’s Batang Quiapo na pinagbibidahan ni Coco ang aktres.

Nagtutulungan sila sa business side tulad ng finances. Sabi niya, forte ni Coco ang creative side kaya siya ang humahawak ng numbers.

Talagang naghahanda na ang celebrity couple para sa kanilang pamilya kaya ganun na lang sila ka hands on sa pagpapalago ng kanilang business.

***

AMA NI ANNE PUMANAW NA!

Pumanaw na ang ama nina Anne Curtis at Jasmine Curtis-Smith na si James Ernest Curtis-Smith.

Sa Instagram ng magkapatid ay ibinahagi nila ang pagpanaw ng kanilang ama nitong January 7.

Wala pang detalye kung ano ang ikinamatay ng kanilang ama, pero sinabi ni Anne na “peacefully” itong lumisan.

Aniya on behalf of the family, “It is with profound sadness that we announce the unexpected yet peaceful passing of our father, James E. Curtis-Smith.”

Sa mga larawang ibinahagi ng It’s Showtime host kung saan magkasama silang dalawa noong kanyang younger days at ang most recent ones she has, she expressed how her father has helped them become strong and resilient people.

“A true patriarch in every sense, he shaped us with strength, resilience, and a wit that will forever echo in our family. He was deeply loved, endlessly admired, and will live on in our hearts always. We will miss him dearly. – The Curtis-Smith Family.”

Ang condole message ni Dra. Vicki Belo, “Hayden and I are so sorry to hear about your dad’s passing Anne. I know you’ve been dreading this day would happen. But, you can take solace in the fact that you super duper took care of him and that you did all you could for not only him but your whole family. That’s why I admire you so much.”

Ani naman ng isa niyang fan, “My deepest condolences @annecurtissmith Sending love and prayers to you and the whole family. ”