Advertisers
TOTALLY hindi na makontak si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa.
Ito ang sinabi ni Senador Imee Marcos.
Mahirap narin kasing paniwalaan itong si Imee. Tila nawala narin ito sa hustong pag-iisip eh. Ultimo nga tunay niyang kapatid, hipag at mga pamangkin nga kanyang sinisiraan sa publiko sa ngalan ng “personal interest”.
Say ni Imee, hindi na matawagan ang kanyang kaalyadong Bato, wala rin sa mga kamag-anak nito ang makapagsabi kung nasaan na ang dating “astig” na dating hepe ng Philippine National Police.
“Hindi na talaga siya makontak. Mino-monitor daw kasi ang kayang cellphone,” diin ng ate ni Pangulong “Bongbong” Marcos na isa ngayon sa sumisira sa administrasyon ng utol.
Sinisisi pa ngayon ni Imee si Ombudsman “Boying” Remulla kung bakit daw nag-anunsyo ang huli na mayroon nang arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC) laban kay Bato. Pero ayaw naman daw ipakita ang kopya ng warrant.
“Wala naman palang arrest warrant eh, pero sinasabing meron. Nananakot lang!”, say ni Imee.
Hmmm… Hindi siguro naisip ni Imee na dating Chief PNP si Bato, mayroon itong alam sa intelligence. Hindi basta maglalaho si Bato kung wala ngang arrest warrant laban sa kanya. Oo! Alam ni Bato naglabas na ng arrest warrant ang ICC, at maari siyang damputin kapag lumabas siya sa lungga.
Takot si Bato makulong sa The Hague, Netherland, na kinalalagyan ngayon ng kanyang “Tatay Digong”.
Si Bato ay co-accused ni Digong sa kasong ‘Crimes against humanity’ kaugnay ng mga extrajudicial killings noong heoe sya ng PNP at pangulo si Duterte.
Si Bato ang engineer ng ‘war on drugs’ kungsaan higit sa 30,000 “drug pushers, addicts, drug lords” pinatay, ayon sa human rights group. Sa datus ng PNP higit 5,000 lang ang tinodas.
Simula nang ianunsyo ni Boying na may kopya siya ng ICC arrest warrant laban kay Bato, nagtago na ang senador. Hindi na ito dumalo sa session, at di na nga makontak ngayon.
Sabi, nasa bahagi ng Mindanao nagtatago si Bato, sa lugar na walang access and internet.
Ayon kay dating senador Antonio Trillanes, maghahain na siya ng reklamo sa ethics ng Senado sa ‘di na pagpasok ni Bato pero sumusuweldo parin ng buo.
Matatandaan na hinahamon pa noon ni Bato si Trillanes na arestuhin siya ‘pag lumabas nga ang ICC arrest warrant. Haharapin daw niya ito.
Drawing lang pala ang hamon na iyon ni Bato. Ang totoo, takot pala siyang maaresto. Hehehe…
***
Bukod kay Bato, sinabi ni Trillanes na posibleng maglabas narin early this year ng arrest warrant ang ICC laban kina dating Chief PNP Oscar Albayalde at Senador Bong Go.
Si Albayalde ang pumalit kay Bato nang magretiro ang huli at pinagpatuloy niya ang brutal na ‘war on drugs’, na ang mga pinaslang na drug lords ay mga “kalaban” ng sindikato ng droga na mga kaibigan kuno ni Digong.
Si Go naman ang sinasabing “financier” ng war in drugs, nagbibigay ng reward sa bawat mapatay na tulak/adik.
Kaabang abang ito. Subaybayan!