Advertisers
NAARESTO ng mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang pang-limang pangunahin suspek sa pagpatay kay Councilor Alfredo T. Alvarez ng Rizal, Kalinga noong 2018.
Kinilala ang naaresto sa alias Jose, 57 anyos, miyembro ng Labang Criminal Group ng Rizal.
Sangkot ang Labang Criminal Group sa gun-for-hire, robbery/hold-up, akyat-bahay, extortion, carnapping, at cattle rustling activities na nag-o-operate sa 3rd District of Cagayan Valley at kalapit na lalawigan ng Kalinga at Isabela Provinces.
Ayon kay Major General Robert Morico II, director ng CIDG, 4:00 ng hapon nang magsagawa ng operation ang pinagsanib na elemento ng CIDG Kalinga Provincial Field Unit at Rizal Police Station sa Brgy. San Pedro, Rizal.
Isinagawa ang operasyon sa bisa ng warrant of arrest sa kasong ‘Murder’ na ipinalabas ng Tuguegarao City, Cagayan court noong February 14, 2022, at November 24, 2025,
Nabatid na pinagbabaril ng 5 suspek si Alvarez sa San Gabriel, Tuguegarao City, Cagayan.
Si Jose ang pangtatlong sa 5 pangunahing akusado sa pagbaril kay Alvarez na naaresto ng mga elemento ng CIDG nang madakip si alias Den sa Brgy. Tuga-Tabuk City, Kalinga at alias Simeon sa Brgy. Buntun, Tuguegaroa City, Cagayan noong Dec 2, 2025.
Naunang nadakip sina “Jocel” at “Jessie” ng mga elemento ng Provincial Intelligence Unit ng Cagayan Police Provincial Office sa iba kasong ng murder.(Mark Obleada)