Advertisers

Advertisers

ET vs Alien!

0 16

Advertisers

Opo, naganap na ang pagtatagpo nina Eugene Torre ( ET) at ni Brod Pete ( Pambansang Alien) nitong Huwebes ng hapon sa Pan de Americana sa Marikina.

Bagama’t walang chess match na nangyari ay masayang-masaya ang dalawa at kanilang mga kasama.

Nagtagisan sila ng mga kaalaman sa sports, showbiz at current events. Nagpalitan siyempre sila ng joke. Sinubukan din Workers Blend coffee at Juan Powder Calamansi ni Noel Ham ng Unorri Pharma Corp.

Isa sa naging usapan ay ang world record na blindfolded na simul games ni Miguel Najdorf ang Polish- Argentinian na grandmaster. Namangha si Ka Pete sa kwento ni Torre kasi 45 na top Brazilian na player na kalaban. 39 W , 4 D at 2L ang resulta.

“Gusto mo may piring din mata ko sa laro natin, “birong hamon ni Eugene kay Isko”Raise the Roof”Salvador.

Pakornihan na lang daw ng joke sagot ng komedyante.

” Ano paboritong meryenda ng mga chess wizard gaya ni ET?” hirit ng humorist.

Walang nakasagot ng tama.

” Eh di CHESSburger,” patawa ni Brod Pete.

Naging paksa rin si Charlie Chaplin na idolo ng 67 an?os na Ka Pete at paborito rin ng 74 na taongTorre.

Bilib na bilib sila sa klase ng comedy ni Chaplin. Walang dialogue pero nakaaaliw ng sobra.

Nagpalitan din ng mga words of wisdom ang mga genius sa ajedrez at comedy.

Kapwa sila happy life kasi happy mga wife nila. Hehe.

***

Pasok sa Top 12 ang tatlong Lakers sa 2nd balloting ng NBA All Stars Western .Conference

Numero uno si Luka Doncic na may botong 2,299, 811.

Si LeBron James ay pangwalo naman na nakuha ng 1,059, 855.

Samantala panglabing-isa naman si Austin Reaves na may 718,799.

Bale Lakers lang may tatlong kontribusyon sa All Stars ng West.

***

May bago tayong portion sa OKS@DWBL. Ito ang” Alien All The Way” nina Jojo Alejar at Brod Pete aka Isko Salvador. Paminsan- minsan ay tatanungin natin opinyon nila sa mga nagbabagang isyu.

Natural may hinggil sa sports.

“Sino sa tingin nila ang magwawagi sa PBA Finals?”,.

Malalaman nyo ang kanilang tugon sa ating programa sa Lunes sa DWBL, YouTube at Facebook. Alas kuwatro hanggang alas singko ng hapon.