Advertisers

Advertisers

Oplan double barrel: 1 timbog, P2.24m shabu at armas nasamsam

0 8

Advertisers

ARESTADO ang isang lalaki sa inilunsad via search warrant sa ilalim ng Oplan Double Barrel na isinagawa ng mga operatiba ng Regional Special Operations Group na nagresulta sa pagkasamsam ng higit sa P2.24 milyong halaga ng mga ipinagbabawal na droga kabilang ang mga high-powered na baril at bala sa Brgy, East Bajac-Bajac sa lungsod ng Olongapo.

Sa report na tunanggap ni PRO3 Director Police Brigadier General Ponce Rogelio Peñones,Jr. matagal nang under survielance ang lugar na umanoy talamak sa pagbebenta ng illegal na droga at mga armas.



Nakuha ng mga awtoridad ang mga shabu, cocaine, at marijuana, na kabuuan ng halaga na P1.8 milyong piso.

Kabilang sa mga nasamsam ang isang M16 rifle, isang caliber .45 pistol, at isang shotgun, kasama ang daan-daang bala at iba pang kagamitan na nagkakahalaga ng P440,000 piso.

Habang dinakip rin ang 35-anyos na lalaki na inabutan sa umanoy safe house ng mga drug-pusher.

Samantala patuloy naman ang imbestigasyon ng mga pulis kung sino ang tunay na may-ari ng illegal na droga at mga baril.(Thony D. Arcenal)