Advertisers

Advertisers

DPWH engineers nag-atrasan sa kanilang testimonya

0 17

Advertisers

BINABAWI ng mga dismissed engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang kanilang mga sinumpaang salaysay sa naging papel nila sa multi-billion flood control scandal.

Ito ang ipinahayag ng abogado ni Senador Joel Villanueva.

Pero si Villanueva ay isa rin sa mga sangkot sa flood control anomalies, na ang mga nagbunyag ay naturan din mga engineer.

Pinagloloko na tayo ng mga dating engineer na ito ng DPWH.

Oo! sinabi nina dismissed DPWH-Bulacan District Engineer Henry Alcantara, kanyang dating assistant engineers Brice Hernandez at Jaypee Mendoza, na binabawi na nila ang kanilang statements noon sa Senate Blue Ribbon Committee inquiries hinggil sa mga kickback at ghost flood control projects sa Bulacan.

Sa dokumentong isinumite sa Department of Justice (DoJ) nitong Enero 5, 2026, itinanggi ni Alcantara na pumayag, kasabwat, o nakinabang siya sa anumang ghost projects, sinabing walang ebidensiya o testigo na direktang nagsasangkot sa kanya sa irregular payouts, pamemeke ng dokumentno o mga iregularidad sa pagbili ng mga materyales. Ganito rin ang naging salaysay nina Hernardez at Mendoza.

Matatandaan na ibinunyag ng mga engineer na ito sa Senate Blue Ribbon inquiries maging sa House invetigation na sina dating Senate President Chiz Escudero, Sen. Villanueva, Sen. Jinggoy Estrada, mga dating senador Bong Revilla at Nancy Binay, at ilang kongresista ay dinalhan nila ng daan-daang milyong pisong kickback mula sa mga ibinaba nilang proyekto sa DPWH-Bulacan. Anila, umaabot ng hanggang 30 porsiyento ang kickback na hiningi ng naturang mga mambabatas.

Ipinakita pa nga nila ang mga larawan ng limpak-limpak na pera na nakalatag sa lamesa sa kanilang opisina, na anila’y para sa kickback ng naturang mga mambabatas.

Nagsoli pa nga sila ng daang milyones na kinita nila sa mga proyekto para makapasok sila sa state witness program ng gobierno.

Sa tingin ko, kahit bawiin pa nila ang kanilang naging salaysay sa Kongreso ay hindi narin ito oobra para makaligtas sila sa kaso. Peks man!

Ang tatlong engineers ay kasalukuyang nakakulong habang gumugulong ang mga imbestigasyon sa kaso sa Ombudsman.

Tingin ko may mga nag-advise sa tatlong engineers na umatras sa kanilang naunang testimonya para humina narin ang kaso ng mga senador at kongresista.

Well, tingnan natin kung ano ang maging hakbang dito ng DoJ at ng Ombudsman. Subaybayan!

***

Nakakatawa itong si Davao City Representative Paulo Duterte. Sinabi niyang ayaw na munang uuwi sa Pilipinas ng kanyang ama habang si Bongbong Marcos pa ang presidente.

Hindi naman talaga makakauwi sa Pilipinas si Duterte dahil siya’y nakakulong sa ICC facility sa The Hague, Netherlands. Makakauwi lamang siya ‘pag nadismis ang kinakaharap niyang kasong ‘Crimes against humanity’. Mismo!