Advertisers
DINAKIP ng mga tauhan ng Ninoy Aquino International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) sa NAIA Complex, Pasay City ang tatlo katao nang makumpiska-han ng ilegal na droga ang mga ito.
Nadakip ang mga ito sa interdiction operation sa Pairpags Center at nasamsam ang 16,848 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P114,566,400.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang mga ilegal na droga ay nakapaloob sa apat na kahon.
Kabilang din sa nakumpiska ang non-drug items tulad ng sling bags, mobile phones, identification cards, at iba pa, kabilang ang cash na nagkakahalaga ng P34,885.00
Kinilala ang mga nahuli sa mga alias “L.A”, isang broker representative at residente ng Caloocan City; “F.S”, isa ring broker representative na taga-Pasay City; at “E.F”, isang porter at residente ng Manila City.(A. Mendoza)