Advertisers

Advertisers

Dennis to the rescue kay Jennylyn

0 10

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Nagkaroon ng isyu recently na diumano’y may hindi pagkakaunawaan ang mag-asawang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Ayon sa tsika ni Ogie Diaz, may nag-ispluk daw sa kanya na pinagbabawalan ni Jennylyn si Dennis na dumalo sa okasyon ng kanyang mga kapatid at magulang.

Katunayan, never daw na sighted ang aktor sa mga importanteng okasyon ng kanyang partido lalo na kung Christmas at family reunions.

Ang dagdag na tsika pa ay patuloy na tinutulungan ni Dennis financially ang mga kamag-anak sa kanyang side na ikinaiimbudo ng Kapuso actress .

Sa kanya namang Facebook page, naglabas ng kanyang pahayag si Dennis sa isyu at inabswelto ang misis na si Jennylyn.

Ito ang teksto ng kanyang post.

“Sa mga hindi po nakakakilala sa aking asawa , isa siya sa pinakamabuting tao sa buhay ko. Isang pribilehiyo na ako ang pinili niyang makasama habang buhay.

Ang mga magulang ko naman ay may edad na po. Hindi din sila showbiz at tahimik lang sila na namumuhay… wag naman sana sila bigyan ng isyu.

Mahal na mahal ko po silang lahat at Maayos ang samahan namin kahit di man kami madalas nagkakasama dahil sadyang busy ang aming mga schedules.

2026 na po, magfocus nalang tayo sa pagiging mabuting tao. Madaming problema ang ating bansa na mas kailangan nating pagtuunan ng pansin.

Maiksi lang ang buhay, piliin natin maging masaya at mabuti araw araw.
#MagingMabutingTao
#fyp #foryoupage