Advertisers

Advertisers

‘KUNG MAGKANO MAN ANG IPINANGAKO SA INYO, PERA NG TAUMBAYAN ‘YAN’ – REP. PULONG DUTERTE

0 14

Advertisers

‘KUNG MAGKANO MAN ANG IPINANGAKO SA INYO, PERA NG TAUMBAYAN ‘YAN’ – REP. PULONG DUTERTE

Pumalag si Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte laban sa panibagong impeachment complaint na posibleng ihain laban kay Vice Pres. Sara Duterte sa Pebrero.

Hirit ng mambabatas, tila scripted at minamadali umano ng mga kasamahan niya sa Kamara ang planong patalsikin ang Bise.

Inakusahan din niya ang mga nasa mayorya na mukhang binayaran daw at nakikipagsabwatan sa administrasyon.

Una nang sinabi ng Makabayan bloc na plano nilang maghain ulit ng impeachment complaint laban kay VP Sara. Nilinaw naman ng Palasyo na itatrato nila ito nang patas at iginiit na dapat managot kung may dapat man managot.

***

“HINDI UUWI SI FPRRD HANGGA’T SI PBBM ANG NAKAUPO” – REP PULONG DUTERTE

Samantala mas gugustuhin pa umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na manatili muna sa The Hague, Netherlands, hangga’t si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. pa rin ang nakaupong lider ng bansa.

Ito ang inihayag ni Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte. Ayon sa mambabatas, batid niyang hindi lamang ang kanilang pamilya ang patuloy na nananalangin na makauwi na sa Pilipinas ang dating Pangulo, kundi maging ang milyun-milyong Pilipino sa iba’t ibang panig ng mundo.

Gayunpaman, malinaw umano ang posisyon ng dating Pangulo hinggil sa kaniyang pananatili sa ibang bansa.

Kasunod nito, nagbigay rin ng panawagan si Cong. Pulong sa sambayanang Pilipino at sa hanay ng militar, iginiit ang tungkulin ng bawat isa sa gitna ng aniya’y lumalalang sitwasyon ng bansa.

***

Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com – Lagi ring tumutok sa programang BALYADOR tuwing martes at linggo 2:30pm-3:30pm sa DWBL 1242 kHz AM nationwide Mega Manila. Tuwing biyernes at sabado 11:00am-12:00noon sa DWXR 101.7 FM Calapan City, Oriental Mindoro.