Advertisers

Advertisers

MARIAN UMALMA SA BLIND ITEM

0 27

Advertisers

Ni Beth Gelena

Nagreak si Marian Rivera sa isang blind item na ‘power couple hiwalay na.’

Ang lahat kasing naglalabasan sa blind item ay sina Marian at Dingdong Dantes.

Ayon sa host ng isang entertainment channel, marami rin daw ang nagtatanong sa kanya kung ang DongYan daw ba ang nasa blind item.

Para matapos na ay tinext umano niya ang aktres para klaruhin ang BI.

Tumawag naman umano sa kanya ang Kapuso Primetime Queen na tawa nang tawa.

Ayon kay Marian, bakit daw ba kada umpisa ng taon ay sila agad ang lumalabas na nasa blind item.

Aniya, masaya raw silang pamilya kung saan kasalukuyang nagbabakasyon sa Palawan.

Ayon naman sa host, may isa pa rin daw power couple na nababalitang hiwalay na.

Ang komento naman ng netizens: “Syempre naman idedeny yan kahit yung illegitimate child issue kasi may contracts at risk.”
“Masyadong perpekto ang kasal nila na hindi kayang intindihin at tanggapin ng mga bashers at haters kung paano ito naging posible. Si DongYan ay isang match na ginawa sa langit”
“Fake news pa more mga bashers and haters”
“Grabe nmn c dd kung totoo un, sobrang idol ko to since tgis kaloka”
“Kung may bata niyan sa iba lalabas talaga niyan. Kaya tsismis lang para kusina un tao”
“Alangan nmng sabihin nila na oo kahit hindi totoo? Eme ka”
“Ang isyung ito ay napakatagal na at hindi na ako magugulat kung totoo ito. Bilang isang tagahanga, medyo malungkot kung totoo pero ganoon talaga ang buhay – walang kasal o buhay na perpekto.”
“May nag expect ba dito na aminin nya? What I know is hahabulin sya ng sarili nyang multo forever.”
“Naaawa ako sa kung sino man ang babaeng ‘yon. Isipin mo na lang na nabubuhay ka nang doble-kara, ang panlilinlang at pagtataksil.”
“Sa history ng paano sila nagkatuluyan. Hindi hahayaan ni Marian na mauwi sa hiwalayan, hindi yan mala Ellen A na alsabalutan agad.”
“Pansin ko every year may issue kayo ng hiwalayan. Last time meron pang kasamang starlet. Ano naman kaya this year?”
“Kung true man, sana hindi napabayaan yung bata. I feel bad na kailangan niya itago sa public to protect someone’s image.”
“sabi nga nila pag me usok me apoy, lalabas din ang totoo kahit i deny pa.”
“Para sa argumento, kahit totoo siyempre itatanggi nila o kung hindi ay papatayin nila ang endorsement.”
“panahon ang magsasabi.”

***

ALDEN EXCITED SA DALAWANG ROLE NA FIRST TIME SA KANYA, DOKTOR AT KONTRABIDA

Excited si Alden Richards sa bago niyang karakter na gagawin sa Kapuso Network.

Isa siyang doktor sa paparating na medical drama series na ‘Code Gray.’

Ani Alden sa panayam ng 24 Oras, “Hindi pa ako nakakagawa ng ganyan sa karera ko at ito na naman ang magiging una ko at tuwang-tuwa ako dahil napaka-mature na role nito. Seryoso ito, excited lang ako sa mga hamon na darating.”

Binulgar pa ng aktor na babalik siya para sa ikalawang season ng isang palabas na ginawa niya noong nakaraang taon.

Bagama’t hindi niya pinangalanan ang pangalan ng palabas, sinabi niyang nagustuhan daw ng audience ang programang ginawa niya last year.

“Actually may magbabalik na isang show na ginawa ko rin last year and it’s gonna be our Season 2 so kahit hindi ko naman sabihin alam niyo na kung ano yun but we’re very excited kasi at least it goes to show the first run did very well and was much appreciated by the audience.”

Bukod dito, nakatakda rin 8siyang gumanap bilang kontrabida sa unang pagkakataon sa paparating na internasyonal na pelikulang Big Tiger kung saan isa rin siya sa mga producer.

Kababalik lang ni Alden sa trabaho pagkatapos ng kanyang bakasyon sa Estados Unidos kung saan niya ginugol ang kanyang ika-34 na kaarawan .