Advertisers

Advertisers

YVO WEBER AT GRAY WEBER NG BREAKING THE SILENCE FILM NEXT CHILD WONDERS NG PHILIPPINE CINEMA

0 34

Advertisers

Ni Rommel Gonzales

Napanood namin ang pelikulang Breaking The Silence na isinulat rin ng mismong direktor ng pelikula na si Errol Ropero.

Tungkol sa mental health at bullying ang pelikula na palaging napapanahon dahil patuloy na nangyayari sa ating lipunan.

Kaya kahit marami-rami na ring pelikula ang nagawa tungkol dito, nangibabaw pa rin ang Breaking The Silence dahil sa ibang atake ni direk Errol sa paraang maraming aral na mapupulot ang mga manonood, partikular na ang mga kabataaang nabu-bully sa school, naba-bash online at nape-pressure sa demanding na magulang mula sa pelikula.

Sa totoo lang kahit mga baguhan at bata pa, mahusay na naitawid ng mga batang cast members na tulad nina Yvo Wever, Gray Weber at Francis Saagundo ang kani-kanilang papel.

Kapag patuloy silang nabigyan ng film projects, hindi malayong maging child wonders ng Philippine cinema ang mga ito.

Sina Potchi Angeles at Shira Tweg, kahit ilang beses na ring nagkatrabaho ay may bagong ipinakita sa pelikula, future matinee idol at crush ng bayan ang dalawa.

Kaya naman hindi nagkamali ang executive producers ng pelikula na sina Ms. Ann Michelle Weber & Mr. Lawrence Weber (under Gummy Entertainment Productions) na puhunanan ang Breaking The Silence na nag-iikot na sa mga showing sa mga iba-ibang paaralan sa buong Pilipinas.

Nasa pelikula rin sina Ramon Christopher, Jeffrey Santos, Pinky Amador, Bugoy Cariño, Rob Sy, Pekto Nacua, Mark Herras, Irish Contreras, Brace Arquiza, Gene Padilla, Patani Daño, Sylvia Manansala, Panteen Palanca, Jerico Balmes, Carl Acosta, Miles Manzano, Shane Carrera, Ryrie Sophia, Zion Cruz, Tokyo Rodriguez, Jared Reyes, Christian Villanueva, Arwen Cruz, Mira Aquino, Erika Palisoc, Chelsea Pergis, Emmanuel Talukder, Achilles Ador, Stanray Clark, Uno Weber, Mavi Weber, Mikaela Saldaña, Dirc Manliclic, at Drey Lagrago.

My special appearance sa pelikula si Dr. Lourdes Dimaguila na misis ng Congressman ng lone district ng Biñan, Laguna na si Congressman Arman Dimaguila; malaking bahagi ng pelikula ay kinunan sa Biñan na hometown namin.

Soon ay magkakaroon ng commercial showing sa mga sinehan ang Breaking The Silence.