Advertisers
KABUUANG 109 pulis ang pumasa sa 2025 Bar Examinations, ayon sa resulta na inilabas nitong nakaraang linggo.
Ayon kay PNP Chief, Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., isang karangalan ito para sa buong organisasyon ng pulisya.
“This is a proud moment for the entire PNP,” ani Nartatez sa isang pahayag noong Lunes.
Dagdag niya, hindi mada-ling makapasa sa Bar dahil nangangailangan ito ng ma-tinding sakripisyo, disiplina, at determinasyon—lalo na para sa mga pulis na patuloy na nagsisilbi sa publiko habang nag-aaral.
“Passing the Bar is no small feat — it requires years of sacrifice, focus, and determination. That our police officers achieved this while serving the public makes it even more meaningful.”
Sinabi rin ni Nartatez na ang tagumpay ng mga pulis ay patunay ng patuloy na reporma at propesyonalisasyon ng PNP, lalo na sa pagpapatupad ng due process, karapatang pantao, at hustisya.
“Hindi lang kayo basta abogado ngayon — kayo ay abogado ng bayan at tagapaglingkod ng batas. You bring deeper legal expertise to the PNP, helping us serve with greater integrity and credibility,” aniya.
Sa kabuuang 11,420 examinees na nakatapos ng tatlong araw ng pagsusulit, 5,594 ang pumasa ngayong taon, na may national passing rate na 48.98 porsiyento.
Ang Bar Examinations ay itinuturing na isa sa pinakamahirap na pagsusulit sa bansa.