Advertisers

Advertisers

‘Killer’ ng 8-anyos lalaki sa Laguna, arestado

0 38

Advertisers

Inaresto ng mga awtoridad ng San Pablo Component City Police Station nitong Lunes, January 12, 2025 ang isang lalaking 55-anyos at ang itinuturong salarin sa pamamaslang sa Grade 3 student na batang lalaki na natagpuan sa may sagingan sa Barangay Santiago II, ng San Pablo City, Laguna noon nakaraang Linggo na tadtad ng saksak sa leeg at tiyan at putol ang mga daliri.



Kinilala ang suspek na si alyas “Estelito”, na lolo sa pinsan ng biktima at residente sa kaparehong lugar.

Ayon sa pulisya positibong itinuro ng dalawang saksi ang suspek na siya umanong pumaslang sa menor de edad na biktimang si Johny Rick Nodero, bago umano mangyari ang malagim na krimen nakitang naghahasa ng itak ang suspek at ng araw na nangyari na umano ang krimen nakitang duguan ang damit na suot ng suspek at dahil dito kaagad inaresto ng mga pulis ang suspek.



Lumalabas sa imbestigasyon na posible umanong away bata ang pinagsimulan ng krimen dahil sa madalas umanong paiyakin ng biktima ang kanyang pinsan na batang babae na apo naman ng suspek kaya’t madalas umanong nagagalit ito sa biktima hindi naman natagpuan ng mga pulis ang itak na ginamit umano sa krimen at ang damit na puro dugo na sinasabi ng mga nakasaksi at nagturo sa suspek na mariing itinatanggi ang krimen.

Sinampahan na ngayon ng kasong Murder ang suspek sa City Prosecutors Office na pansamantalang nakakulong sa San Pablo City Holding and Custodial Facility.(Koi Laura)