Advertisers
KRITIKAL ang isang pulis nang saksakin ng isa nitong kabaro sa loob ng headquarters ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame nitong Martes, Enero 13.
Kinilala ang biktima na si Executive Master Sgt. Eric Castro, na inoobserbahan ngayon sa PNP General Hospital.
Agad namang napigilan at kasalukuyang nasa kustodiya ng CIDG ang salarin na si Senior Master Sgt. Michael Camillo.
Sa inisyal na ulat, naganap ang insidente 7:30 ng umaga habang nag-aalmusal ang biktima sa loob ng kusina ng Anti-Organized Crime Unit ng CIDG.
Nabatid na pumasok sa kusina si Camillo na may bitbit na patalim at pagyakap sa biktima ay agad itong sinaksak sa likurang bahagi ng katawan.
Agad namang naawat ng iba pang pulis na nandoon ang salarin, habang dinala sa pagamutan ang biktima.
Sa inisyal na imbestiga-syon, napansin ng ibang pulis na biglang nag-iba ang ugali ng salarin mula nang umaga.
Napag-alaman din na kabilang sina Camillo at Castro sa sinibak at iniim-bestigahan kaugnay ng pagnanakaw umano ng halagang P13 milyon sa isang POGO sa Bataan.
Patuloy ang imbestiga-syon ng pulisya hinggil sa insidente. (Mark Obleada)