Advertisers

Advertisers

ANG CIDG ‘LIST OF SHAME,’ BOW!

0 8,430

Advertisers

BAGO ang lahat, mainit na pagbati ng ‘HAPPY BIRTHDAY1’ sa ating kaibigan at kasamahan sa paglaban sa korapsyon at karahasan na si Carlo Batalla, ‘Chairman’ ng Crime and Corruption Watch International (CCWI) at ‘Batalla Cares Foundation’ kung saan lampas na sa 200,000 ‘wheelchairs’ ang libreng naipamahagi sa mga nangangailangan sa buong bansa.
‘Live as long as you want,’ Chairman Carlo and may your tribe increase!

Isa ring maingay na ‘CONGRATULATIONS!’ kay ex-MPD at ex-Bicol RD Andre Dizon, sa paglabas ng kanyang pangalawang “estrelya” kaya ‘Police Major General’ na ngayon itong ating kaibigan. More power, Sir!
***
Suportado ng taumbayan ang desisyon ni (still) Acting Chie PNP Jose Melencio Nartatez at ang pagiging ‘transparent’ ni DILG Secretary Jonvic Remulla na hubaran at kasuhan ang anim na operatiba ng ‘Criminal Investigation and Detection Group’ (CIDG) na “ninakaw” ang nakuhang milyones sa isang operasyon laban sa POGO sa Bataan noong Oktubre 2024.

Matapos kasing ideklara ng korte na “iligal” ang raid dahil lehitimo ang negosyo, ipinabalik ang nakumpiskang P141 milyon na “ebidensiya” pero nagkabistuhan na “nawala” ang higit P13 milyon dahil “ibinulsa” ng mga kriminal na miyembro ng CIDG, aguy!

Nitong Martes, napabalitang “sinaksak” ng isang pulis ang kanyang kabaro sa loob ng Kampo Crame kung saan sila detenido. Sino sila? Eh, ‘di parehong suspek sa pagdugas sa nawalang pera!

“Napakababaw” ang “memorya” ng mga Pinoy, kaya mahalagang tandaan ang pangalan ng mga suspek. Hindi kasi malayong dumating ang araw na sa halip “maghimas” ng rehas—kahit no bail ang kaso (qualified theft)– makabalik at ma-promote pa sila sa serbisyo na palaging nangyayari sa PNP. Narito ang CIDG ‘List of Shame’ na inilabas ni Gen. Nartatez:

Pat. Rolman Andaya (seizing officer); Executive M/Sgt. Erick Castro (investigator); Senior M/Sgt. Michael Camillo (investigator); Pat. Kenji Francisco (evidence custodian); Pat. Jesus Fulgencio at Pat. Raymark Solas.

Pero, teka, parang ‘Flood Control Scam’ lang yata ito? Mga “dilis” ang kakasuhan at wala ang mga ‘Big Fish?’

Abangan!