Advertisers

Advertisers

CHANTAL ANINOCHE? A-CHE-CHE!

0 30

Advertisers

ETO ang pinaka-bagong kasinungalingang nanggaling sa grupo ng Karapatan – ang pagkakatagpo sa nawawalang Fil-Am mula pa sa University of Maryland, ng Baltimore County (UMBC).

Noong una agad na inakusahan ng Karapata ang ating mga sundalo na nakukob nito si Chantal, isang 24 gulang na B.S. Psychology graduate ng nasabing unibersidad.

Maging ang ating kasundaluhan ay nagulo sa mga pahayag ng Karapatan, paanong napunta sa kanila ang nawawalang estudyante?

Nang magkaroon ng enkwentro sa pagitan ng militar at mga New People’s Army (NPA) sa may Abra de Ilog, Occidental Mindoro, unti-unti nagkakalinaw ang isyu ng pagkawala ni Chantal. Bakit ka niyo?

Bukod sa may namatay na isang batang estudyanteng babae sa enkwentrong iyon noong January 1, natagpuan ang nawawalang Fil-Am, na tila ligaw sa kabundukan ng nasabing lugar.

January 8 na siya natagpuan, dahil mabuti na lamang, nagsagawa pa rin ng roving patrol ang mga tropa ng ating pamahalaan sa lugar ng enkwentro.

Ayon kay BGen. Melencio W. Ragudo, Commander ng 203rd Infantry “Bantay Kapayapaan”, natagpuan si Chantal Anicoche bandang alas-2 ng hapon ng January 8 sa kagubatan ng Sitio Mamara, Brgy. Cabacao, Abra de Ilog, Occidental Mindoro.

Kinumpirma at nilinaw ni BGen. Ragudo kung paano natagpuan si Chantal na sinasabing nawawala, ayon sa mga miyembro ng Karapatan Party-list.

So, ang totoo pala, wala sa panig ng ating mga sundalo si Chantal, kung di nasa panig ng NPA, nang maiulat ang kanyang pagkawala. Ang tanong bakit, anduon si Chantal? Napasapi rin ba siya sa NPA, gaya ng napaslang na si NPA fighter na ang batang-batang si Jerlyn Rose Doydora.

Sa panayam nga kay BGen. Ragudo, si Chantal raw ng matagpuan nila ay tila “traumatized”, gulong-gulo ang isip at marahil ay ilang araw nang di nakakain dahil nga pagkakawalay nito sa grupo na kanyang nasamahan.

So ang katotohanan pala, ay di ito nasa poder ng militar, kung di, nasa poder ng NPA na kaalyado ng Karapatan Party-list.

Marami pa tayong malalaman na katotohanan sa mga kasinungalingan ng Karapatan kapag handa nang humarap si Chantal sa publiko upang isiwalat, bakit siya naroroon sa kabundukan ng Occidental Mindoro. Abangan!