Advertisers

Advertisers

Chariz pumiyok na ‘di pa bayad sa dating show

0 13

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Pumalag si Chariz Solomon na di pa siya bayad sa dating short-lived noontime show kung saan isa siya sa mga naging hosts.

Nangyari ang kanyang rebelasyon sa recent podcast nila nina Buboy Villar at Dasuri Choi.

Sa programa ,napag-usapan kasi nila ng Korean star ang tungkol sa dating show sa kanilang YouTube channel.

Sey ni Chariz: “Di ba, magkasama tayo sa Tahanang Pinakamasaya noon? Hindi ba, hindi pa tayo bayad. Huy, 2026 na TAPE! Baka naman!”

Prangka ring sinabi ng komedyana na halos naubos na ang kanyang pasensya sa paghahabol sa kanyang talent fee sa nasabing programa.

“Hindi na ako mabait. Yan ang New Year’s resolution ko. Gagawan na natin ito ng solution,” pahabol niya.

Naka-relate naman si Buboy sa sitwasyon ni Chariz dahil ito man ay may unpaid talent fees pa sa nabanggit na show.

Hirit niya, nahirapan din daw siya sa sitwasyon noon considering na may mga sinusuportahan at binubuhay siyang mga anak.

Ayon pa kay Chariz, magtatatlong taon nang walang paramdam sa kanya ang management ng nasabing show na iprinudyus ng mga Jalosjos.

Gayunpaman, sana ngayong taon daw ay ma-settle na ng TAPE, Inc. ang kanilang obligasyon sa kanilang hosts at production people.

Bukas naman ang pahinang ito sa panig ng TAPE hinggil sa alegasyon.