Advertisers

Advertisers

MASTER DREDGING PLAN, KAILANGAN SA AGOS RIVER – INFANTA MAYOR RUANTO!

0 12

Advertisers

Dahil sa kaliwa’t-kanang reklamo at apektadong residente mga negosyo armado ngayon ng 2 resolusyon para proteksyon ang Agos River sa bayan ng Infanta sa lalawigan ng Quezon.

Ito ang hiniling ni Infanta Mayor L.A Ruanto sa Provincial Mining and Regulatory Board at Mine Geoscince Bureau, para ipatigil ang quarry operation bilang proteksyon sa mga residente at mga negosyo o establishment malapit sa ilog.

Base sa dalawang resolusyon na isinulong ng Sangguniang Bayan, nanawagan ito sa Pamahalaang Panlalawigan na bumuo ng “master dredging plan” bago muling magkaroon ng dredging activity sa nabanggit na lugar.

Ayon sa alkalde, isinulong ang resolusyon dahil sa samut – sari ang natatanggap nilang reklamo na technically ay labas sa kanilang hurisdiksyon.

Sa naturang quarry operation marami umanong naapektuhan tulad ng enbankment ng ilog at ilang establisimiento, kaya’t napakahalaga na magkaroon ng master dredging plan.

Sa kanila umano sa Infanta ay may mga lagusang nagsasara kaya kailangan talaga ang dredging sa tamang proseso. (Edwin Moreno)