Advertisers

Advertisers

PAOLO GUMABAO TINUPAD ANG PANGARAP NG AMANG SI DENNIS ROLDAN

0 70

Advertisers

Ni Rommel Gonzales

Tinanong namin si Paolo Gumabao kung kailan niya huling nabisita ang amang si Dennis Roldan na nakapiit sa kulungan.

“Hindi ako nakabisita this Christmas. Pero, last year o noong 2025, kalagitnaan, bumisita naman ako!
“Nakabisita naman ako.
“Ako talaga, hindi nakadalaw. Kasi prior sa pagpunta ko sa Taiwan, nag-shoot din ako ng pelikula.

“Nagkaroon pa ako ng stage play, then nag-Taiwan nga ako.

“Pero siyempre, dadalawin ko siya one of these days.
“Babawi ako!” bulalas ni Paolo na sa Taiwan nag-Pasko at Bagong Taon kasama ang kanyang pamilya.
Tuwing nakakadalaw siya, ano ang madalas nilang pag-usapan ng kanyang ama?

“Nag-usap lang kami about my career.

“Ang pinaka-napanood lang kasi niya sa akin…siyempre ‘pag pelikula, medyo hirap siyang manood ng mga pelikula, dahil hindi naman lahat ng mga pelikula ko napapanood sa TV, eh.

“So, ang pinaka-napanood lang niya sa akin ay ang ‘Batang Quiapo’, kasi may TV naman sa loob ng kulungan, eh. So, napapanood niya ang mga eksena ko.

“Ang pinapayo lang niya sa akin, na oo nga raw, yung pagiging kontrabida, maganda rin naman daw, pero sana raw, maghanap ako ng way na maging bida naman.

“Na huwag daw akong mag-stick sa pagiging kontrabida. Na mag-try rin ako ng iba’t ibang role. Mga ganun lang naman ang napag-uusapan namin.”

At tila nagdilang-anghel ang kanyang ama dahil heto at sa isang wholesome na pelikula ay bida si Paolo kapareha ang Czech actress na si Sara Sandeva sa pelikulang Spring In Prague na ang producer ay ang Borracho Film Productions ni Atty. Ferdinand Topacio.

“First time kong gumawa ng pelikula na mabait ang character, na lover boy ako, na walang hinahabol na masama.

“Challenging ang pelikula na ito sa akin, kasi kailangan ko talagang ipakita na leading man ako.

“Hindi naman kasi ako sanay sa pangiti-ngiti lang, dahil mas sanay ako na nakasimangot ako, na nang-aakit ako. “Puro ganun kasi ang mga ginawa ko before.

“Pero dito sa Spring in Prague kailangan ko talagang ipakita na natural ang acting natin, na lover boy ako.

“Pero ang saya ng experience ko sa Prague. Bukod sa malamig talaga, ang ganda ng scenery,” kuwento ni Paolo.

Si Lester Dimaranan ang direktor ng pelikula.

Samantala, ang mga nasanay na makita ang bortang katawan ni Paolo ay hindi mabibigo dahil bukod sa shooting nila mismong sa Prague ay nag-shoot rin sila sa Puerto Galera

Isang resort owner ang papel ni Paolo at may mga eksena siyang nakahubad at naka-shorts lamang.

Mapapanood sa mga sinehan ang Spring In Prague simula sa February 4 pero bago ito ay may special advanced screening ang pelikula sa Lunes, January 6, 4 pm, sa Gateway Cinema 12.