Advertisers

Advertisers

Rabin binakuran si Angela

0 9

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

May bagong pangabog ang tambalang RabGel nina Rabin Angeles at Angela Muji.

Katunayan, may pabuwena-manong handog ang kanilang loveteam sa pelikulang mapapanood ngayong Enero.

Ani Rabin, aminado siyang bet niya si Angela pero sa ngayon hindi raw sila puedeng magkagustuhan.

Gusto raw muna nilang i-priotize ang kanilang mga karera.

Nang matanong naman si Rabin ni Boy Abunda sa isang panayam kung papayag itong may manligaw sa kanyang crush at screen partner, mabilis ang naging sagot ng tsinitong aktor.

Aniya, di raw niya bet na may mauna sa kanyang ibang kelot sa panliligaw kay Angela.

Kumbaga, binakuran ng aktor ang kanyang love team partner.

Sa kaso naman ni Angela, inamin din niyang possessive siya pagdating kay Rabin at ipaglalaban niya ang kanyang teritoryo.