Advertisers

Advertisers

2 miembro ng KFR timbog sa Pasay City

0 7

Advertisers

ARESTADO ang dalawang miyembro ng Kidnap for Ransom (KFR) ng Philippine National Police-Anti-kidnapping Group (PNP-AKG) sa magkahiwalay na operation sa Cajidiocan, Romblon at Pasay City.
Kinilala ang naaresto na sina Lito Diego Presaldo alias “Litz”, 31 anyos, ng Sitio Ilaya, Cambajao, Cajidiocan, Romblon; at Danilo Abilong, 31, ng 52E Ilaya, Alabang, Muntinlupa City.
Naaresto si Presaldo sa Sitio Can Adlay, Brgy. Gutivan, Cajidiocan sa bisa ng 3 warrants of arrest sa kasong kidnapping and serious illegal detention.
Sa report, miyembro ang suspek ng Gong Wenli KFR Group na sangkot sa kidnapping for ransom, na target pawang dayuhan na nagtratrabaho sa POGO. Binubuo ang nasabing grupo ng Chinese at Filipino criminal syndicates.
Ilan sa mga biktima ng grupo sina Lin Quinchang, Chinese national, na dinukot sa Libertad Market, Pasay City noong February 26, 2022; Zhou Xiang Qin, Chinese national, ng Gold Empire Tower, Malate, Manila na kinidnap sa San Andres Street, M.H. Del Pilar Street, Manila noong February 3, 2022; Li Ci You, Taiwanese national, ng Meadow Wood, Bacoor City, Cavite, na kinidnap sa Happy Hot Pot Seascape, Pasay City noong February 19, 2022.
Samantala, naaresto si Abilong sa Double Dragon Plaza Mall sa Diosdado Macapagal, Pasay City sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong kidnapping for ransom and serious illegal detention.
Sangkot ang suspek sa pagkidnap sa 2 Chinese nationals na sina Zhang Pengcheng at Zhang Han alyas James; Korean national na si Yang Jisung; at James Anthony Basilio.
Naganap ang nasabing insidente May 2, 2025, sa Barangay Balaytigui, Nasugbu, Batangas. (Mark Obleada)