Advertisers
Ni Beth Gelena
Ibinahagi ni Beauty Gonzalez na maayos ang kalagayan ni Ellen Adarna at mapayapa ang kanyang mga ginagawa matapos ang paghihiwalay ng hubby na si Derek Ramsay. Inilarawan ng Kapuso aktres si Ellen bilang isang forever beauty friend niya na may kumpiyansa sa sarili at maayos ang pag-iisip, na siyang ikinatuwa niya para sa kaibigan.
Binigyang-diin niya na mas gusto niyang huwag masyadong pag-usapan ang pribadong buhay ng kaibigan. Dagdag pa niya, si Ellen ay dumaan sa sitwasyon na alam kung paano haharapin ang sarili na siyang ipinagmamalaki ni Beauty na isa sa katangian ni Ellen.
Sa isang panayam sa aktres, binigyang-diin niya na maayos ang kalagayan ni Ellen at nakapokus sa kanyang sarili. Aniya, “Ellen is doing fine. She’s beautiful. Nakakainis! Which is good, kasi parang, ‘di ba, you have to look beautiful and move forward.”
Ayon pa kay Beauty, tunay siyang natutuwa na makita ang kanyang kaibigan na nasa maayos na pag-iisip, at idinagdag na ang kapayapaan ng isip ay higit na mahalaga kaysa sa anupaman. Gayunpaman, nilinaw niya na mas gusto niyang huwag nang masyadong pakialaman ang personal na buhay ng kaibigan, at idiniin na hindi niya sinasabing alam niya ang bawat detalye ng nangyayari sa kanilang pribadong buhay ng mag-asawa.
Para kay Beauty, ang mahalaga ay ang pagiging kalmado, panatag, at matatag ni Ellen.
“Masaya ako para sa kanyang kapanatagan ng loob. Iyon lang ang masasabi ko dahil ayoko talagang pag-usapan ang mga kaibigan ko. Hindi ko talaga alam kung ano na ang nangyayari sa personal nilang buhay.”
Beauty ended her remarks by expressing pride in her friend and admiration for how she continues to move forward on her own terms.
“Basta people doesn’t get your vibe, change the people not your vibes… She doesn’t need support, it’s not a new thing to her, it happened na before with her past relationship. So, I think she knows how to handle herself. And iba talaga when you have a choice. So, she’s very lucky. Yeah, proud ako sa kanya.”
BARBIE AT RICHARD KINUMPIRMA NA ANG TUNAY NA RELASYON
Nagsalita na si Barbie Imperial tungkol sa relasyon nila ni Richard Gutierrez
Matapos ang dalawang taong puro haka-haka, ay inamin na nina Richard Gutierrez at Barbie ang kanilang relasyon.
Kung matatandaan, opisyal na nag-date sina Barbie at Richard noong 2024.
Bagama’t hindi pa nila kinukumpirma noon ang kanilang relasyon, ang pagkakakita sa kanila sa iba’t ibang pagkakataon ang basehan ng netizens na may relasyon na ang dalawang celebrity.
Last year, ay dnependahan ng aktor na, “Hindi siya third party, hindi nag-overlap. Kasi maraming tao, ‘yun nga, mga bashers na nagsasabi na siya ang dahilan. Wala siyang kinalaman.”
Sa isang panayam, ibinahagi ng celebrity couple sa publiko ang kanilang relasyon.
Ayon kay Barbie, “Masasabi ko lang ba na hindi kami nagtatago. Pinili lang namin na magkaroon ng pribadong relasyon talaga [dahil] alam naming ayaw namin ng… Ang hindi alam ng mga tao ay hindi nila kayang sirain.”
Sinang-ayunan naman ng aktor at sinabing napagkasunduan na sa simula pa lang ay gawin munang pribado ang kanilang relasyon.
“From the beginning, gan’un talaga. We want to keep things private. Mas relaxed ‘yung ganun, mas gusto namin ‘yung ganun,” aniya pa.
Sa kabila ng mga pangyayaring ito, binigyang-diin ni Richard na “kung ano ang nakikita mo ay iyon ang makukuha mo” ang sagot na kanyang binibitawan noon kapag may nagtatanong tungkol sa kanilang dalawa ni Barbie.
Komento ng isang netizen, “kaya umamin ang dalawang yan kasi may teleseryeng nang ginagawa. Para nga naman mapag-usapan. Promo rin naman kasi.”