Advertisers

Advertisers

Controlled Parking sa ilalim ng Skyway, may basbas ng mga Ahensya

0 38

Advertisers

Ikinagagalak po ng Lungsod ng Maynila ang ipinakitang suporta ng Toll Regulatory Board (TRB), NLEX Corporation, Department of Public Works and Highways (DPWH), at Department of Transportation (DOTr) sa planong gawing controlled parking area ang ilalim ng Skyway at NLEX Connector Viaduct.
Ang proyektong ito ay hindi lamang naglalayong mapanatiling malinis at maayos ang ilalim ng Skyway, kundi upang matugunan ang problema ng ilegal na paradahan, mapaluwag ang mga eskinita, at maibalik sa publiko ang mga kalsadang perpendicular sa Skyway na matagal nang naaabala.
Lubos po naming pinahahalagahan at taos-pusong pinasasalamatan ang TRB, NLEX Corporation, DPWH, at DOTr sa kanilang pakikiisa at suporta sa adhikain ng Lungsod ng Maynila na lumikha ng mas maayos, disiplinado, at organisadong urban space para sa lahat ng Manileño. (BP)