Advertisers
Ni Anne Venancio
AGAW-ATEN-SYON si Ivana Alawi matapos magkwento tungkol sa karanasan niya sa kissing scenes kasama si Joshua Garcia sa teleseryeng ‘Love Is Never Gone’ kung saan tinawag niyang “Higop King” ang aktor.
Aniya, mas intense ang kanilang huling eksena sa serye. “Hindi ko alam kaya nga sinabi ko sa kanya, ‘Grabe ka naman!’”
Aminado naman si Ivana na nananatiling propesyonal ang tandem nila sa set. “Syempre crush ko ’yun! Pero professional pa rin.”
Sa ngayon, bawas muna siya sa paggawa ng vlog dahil inuuna niyang tapusin ang taping ng serye. “Mababawasan po ng very light ‘yung vlog kasi mahirap pagsabayin ang taping at vlog,” aniya.
Kris Bernal naiilang na sa love scene sa serye dahil sa asawa’t anak
BALIK-AKTING si Kris Bernal sa House of Lies ng GMA Network kasama sina Beauty Gonzalez, Mike Tan, at Martin del Rosario matapos ang 3 taon hiatus sa showbiz nang magpakasal sa mister na si Perry Choi at magkaroon ng anak.
Kwento ng aktres, “Acting talaga ang first love ko. Gusto ko pang ma-enjoy ang spotlight at suportado naman ako ng asawa ko.”
Bilib umano si Kris sa co-star na si Beauty. “Kahit tawa-tawa sa set, pag take na, talagang galing.”
Aminado rin ang aktres na nako-conscious na siya sa ilang daring at intense love scenes sa serye dahil nga may asawa’t anak na siya.