Advertisers
NAPATAY ng militar sa engkuentro ang umano’y pinakamataas na pinuno ng CPP-NPA sa Negros nang makabakbakan ng tropa sa Binalbagan, Negros Occidental, Enero 30. Kasama siya sa dalawang rebelde na napatay sa Barangay Bi-ao.
Tinukoy ni Brigadier General Ted Dumosmog, commander ng 303rd Infantry Brigade, si Reynaldo Erecre alias “Amik” na sekretaryo ng Komiteng Rehiyon–Negros ng CPP-NPA.
Aniya, “That’s a major blow to the rebel movement”.
Nakaayos na ang pamilya ni Erecre para kuhanin ang kanyang labi, habang kinukumpirma rin ang pagkaka-kilanlan.
Sa parehong araw, napatay rin si Regie Pacheco alias “Dante”, finance at logistics officer ng NPA Central Negros 2, sa hiwalay na engkwentro sa parehong barangay.
Ayon sa 94th Infantry Battalion, nilabanan nila ang isang planong pagsabog at pagsunog ng heavy equipment ng grupo sa proyekto ng gob-yerno, base sa impormasyon mula sa mga residente.
Sa isa pang insidente, dalawang hindi pa nakikilalang NPA members ang napatay sa Guihulngan City, Negros Oriental noong Enero 31, kungsaan nasamsam ang M-16 rifle, .45-caliber pistol, hand grenade, bala, at subversive documents.
Pinayuhan ni Maj. Gen. Michael Samson ng 3rd Infantry Division ang natitirang miyembro ng armadong komunistang grupo na sumuko at samantalahin ang government reintegration programs.