Advertisers

Advertisers

158 UCC Board Passers, Topnotcher tumanggap ng cash incentive sa Caloocan LGU

0 4

Advertisers

Patuloy na pinatutunayan ng University of Caloocan City (UCC) ang husay nito sa akademya nang makapagtala ng 159 board passers noong 2025, na pawang tumanggap ng cash incentive mula sa Pamahalaang Lungsod ng Caloocan bilang pagkilala sa karangalang kanilang dinala sa lungsod at sa pamantasan.



Kabilang sa mga pumasa sa board exams ang 15 Certified Public Accountants, 65 Professional Teachers, at 79 Registered Psychometricians, kasama si Mr. Xian Arnel Pineda, na nagwagi bilang Top 4 sa Board Licensure Examination for Psychometricians (BLEP).

Binati ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang lahat ng passers at hinikayat silang maging inspirasyon sa kabataang Caloocan na pahalagahan ang edukasyon at magsikap para sa mas maayos na kinabukasan.

“Ang mga bagong board passers ng UCC ang patuloy na nagpapatunay na walang imposibleng pangarap para sa mga Batang Kankaloo. Congratulations sa inyong lahat!” ani Mayor Along.

“Hiling ko lang, huwag ninyong kalimutan ang kapwa ninyo Batang Kankaloo at sama-sama nating silang tulungan at bigyan ng motibasyon na paghusayan pa ang pag-aaral,” dagdag ni Malapitan.

Tiniyak din ng alkalde ang patuloy na suporta ng pamahalaang lungsod sa pagpapalakas ng sistema ng edukasyon, mula elementarya hanggang kolehiyo, at maging sa graduate programs.

“Mula elementary hanggang college, at kahit pa sa mga nakapagtapos na, sisiguraduhin natin na hindi mawawala ang suporta ng pamahalaang lungsod at magpapatuloy ang mga epektibong programang magbibigay pa ng mas malawak na oportunidad para sa inyong lahat,” pahayag ni Mayor Along.(BR)