Advertisers

Advertisers

2 katao nalapnos sa sunog sa Angat

0 15

Advertisers

Naabo sa sunog ang dalawang bahay sa Brgy. San Roque Angat Bulacan 7:45 ng umaga Pebrero 5 2026 na umabot sa unang alarma.
Sa inisyal na report ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) kinilaa ang mga nasugatan na si aling Josepina C. Mata, 54-anyos, na nagtamo ng 3rd degree burn sa kaliwa at kanan na braso ang 2nd digree burn sa ilalim ng bahagi ng suso at mukha; at Jaypee C. Marquez, 35-anyos nanagtamo naman ng 1st degree burn kaliwang bahagi ng tainga at kaliwang bahagi ng kamay.
Ayon sa mga awtoridad nagtulong-tulong ang mga bumbero mula sa bayan ng Norzagaray, mga mini firetruck ng Serbisyong Racal, Firetruck ng Bustos.
Samantala patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon, ng mga bumbero, kung saan at paano nagsi-mula ang sunog,at pinsala ng naganap na sunog.(Thony D. Arcenal)