Advertisers
Ni Anne Venancio
Sa closet bazaar ni Kim Chiu, isang araw at kalahati lang ang tinagal ng event na dapat ay 5 days, matapos na maubos agad ang mga paninda.
Nag-post si Kim ng pasasalamat at tinawag ang proyekto bilang isang “3-way happiness”: kaligayahan para sa kanya, sa mga sumuporta, at sa napiling charity.
Samantala, umingay sa social media ang tanong ng ilang fans tungkol sa polong napabilang sa mga naibenta, na hinihinalang pag-aari ito ni Paulo Avelino.