Advertisers

Advertisers

Mga yate at bangka na nakatali sa DPWH fund mess nadiskubre

0 7

Advertisers

NATUKLASAN ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang ilang yate at mamahaling bangka na konektado sa mga personalidad na sangkot sa maanomalyang flood control project.

Sinabi ni Atty. Renato Paraiso, executive director ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center, daan-daang milyong piso ang halaga ng mga yate at bangka.

Pinamumunuan ni Paraiso ang Technical Working Group (TWG) for Assets Recovery ng Independent Commission for Infrastructure o ICI.



May 140 na indibidwal at 350 korporasyon ang iniuugnay sa mga bangka at yate.

Ipinaliwanag ni Paraiso na maaari pang gamitin ng mga rehistradong may-ari ang mga yate at bangka hanggang hindi kinukumpiska ng gobyerno.



Ngunit, idiniin nito na hindi na maaaring ibenta ang mga yate at bangka.

Itinuro ni Paraiso ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) na maaaring magbigay ng kabuuang halaga ng mga yate at bangka.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">