Advertisers

Advertisers

MUNGKAHING PAGTANGGAL NG TRAVEL TAX NI REP. SANDRO MARCOS, MATALINONG HAKBANG

0 18

Advertisers

Pinabilib naman ako ni House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos sa pagfa-file nito ng isang panukalang batas na hinihinging alisin na ang travel tax.

Aniya, travel tax has “outlived its purpose” o lipas na ang layunin nito at sa katunayan ay nagsisilbi pa itong balakid sa mga goal ng bansa para sa economic recovery, mobility at regional competitiveness.

Sa ilalim ng kanyang panukalang House Bill 7443, nais ni Rep. Marcos na alisin na ang Travel Tax system at bigyan na ng tuldok ang collection ng fixed charges.

Sa kasalukuyan kaso ay P2,700 ang tax na ikinakarga para sa first-class passengers at P1,620 naman para sa economy class.

Para aniya sa mga pamilyang Pilipino, mabigat ito at napupunta lang sa tax ang pera na sana ay maari nilang magamit para sa mga pangunahing pangangailangan.

Nakakabilib na naisip niya ito at kumilos siya sa kabila nang ang pagtatalaga ng travel tax ay mismong inaprubahan nung nakaupo pang Pangulo ang kanyang yumaong lolo na si dating President Ferdinand E. Marcos.

Anang batang Marcos, ang travel tax ay binuo nang mga panahong iyon sa ilalim ng ibang economic context o sitwasyon na hindi na nababagay sa kasalukuyang panahon.

“Today, it has become an added cost that restricts mobility and weighs heavily on ordinary Filipinos who simply want to travel for work, family or opportunity,” ani Marcos ukol sa travel tax.

“When travel becomes more expensive, fewer people move, fewer people spend and fewer opportunities circulate through the economy. Lowering the cost of travel allows Filipino families to allocate their money where it matters most,” paliwanag pa niya sa kanyang panukalang batas.

Sa kasalukuyan, bukod sa dagdag-gastos ito ay perwisyo pa, lalo na sa ating mga overseas Filipino wokers (OFWs).

Pagdating mo sa airport, kinakailangan ka pang magpunta sa DOT counter para magbayad ng travel tax imbis na tuloy-tuloy ka na.

Sa kaso ng mga OFWs, marami ang nagrereklamo sa haba ng pila at tagal ng proseso na kung saan ang pasahero ay inaabot ng hanggang dalawang oras.

Partikular na nagrereklamo ukol diyan ang mga kababayan nating balikbayan o di kaya ay immigrant.

Kulang na kulang daw kasi ang mga tauhan sa travel tax booth at laging ganoon ang sitwasyon, lalo na kapag peak season.

Sana ito ang asikasuhin ng Department of Tourism kesa ‘yung lumitaw ang larawan ng DOT Secretary sa kung saan-saang medium of information ng departamento na dapat ay mga tourism spots o Pinoy hospitality ang nakabalandra para maka-attract ng mga turista at investors.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.