Advertisers

Advertisers

Sec. Jonvic kailangan ang bendisyon ni PBBM sa 2028

0 13

Advertisers

TAHASANG sinabi ni Interior Sectetary Jonvic Remulla na bukas siya sa pagtakbong pangulo sa 2028 national election.

Ito’y kung iindorso siya ni Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr.

Wala pa kasing napipisil na kaalyado si PBBM para pagpasahan ng kapangyarihan pagkatapos ng kanyang termino sa 2028.

Ang kanyang pinsan na si dating House Speaker Martin Romualdez na gigil tumakbong presidente ay malabo na ang kinabukasan, matapos pumutok ang flood control anomaly kungsaan isinasangkot siya, dahil narin sa pagkadawit ng kanyang dating tserman sa House Committee on Appropriation na si Zaldy Co.

Si Zaldy Co, ang big boss ng govt. contractor na Sunwest, ay kasalukuyang ‘wanted’ sa naturang iskandalo, at nagtatago sa ibang bansa.

Ang running mate noon ni PBBM na si Vice President Sara Duterte-Carpio ay mortal na silang magkalaban.

Si Sara ay nagpahayag nang tatakbong pangulo, na kapag nanalo ay malamang babawian si PBBM dahil sa pagkakulong ng kanyang ama sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.

Kaya kailangan ni PBBM na kaalyado niya ang manalo sa 2028 presidential derby para hindi siya ma-hawla.

So far, wala pang binabanggit si PBBM kung sino ang iindorso o mamanukin sa 2028. Pero malamang nga ay si Jonvic.

Si Jonvic ay malinis ang rekord sa public service, may balwarte, at may sapat na salapi para kumasa sa pagka-pangulo. Puede!

Posible ring mag-unite ang administrasyon at ang dating katunggali ni PBBM na si ex-Vice President ngayo’y mayor ng Naga, si Leni Robredo.

May isa pang malakas na presidentiable, si Sen. Risa Hontiveros, mula sa genuine opposition. Kaso wala siyang resources at maliit ang balwarte, unless kung gugustuhin siya ng masa.

Dalawang taon nalang para sa May 8, 2028 presidential election.

Bakbakan ito!

***

Malapit na raw mahinog ang isinampang kasong Plunder laban kina Senador Chiz Escudero, Joel Villanueva at Jinggoy Estrada, gayundin kina ex-Congressman Zaldy Co at ex-Congw. Mitch Cajayon.

‘Pag isinampa ito ng Ombudsman sa Sandiganbayan, malamang na maiisyuhan ng arrest warrant ang naturang mga politiko.

Kaugnay ito ng “kickbacks” sa mga proyektong ibinaba nila sa DPWH, na mismong mga opisyal o engineer ng public works ang naglahad na nanghingi ng hanggang 30% “kupit” ang mga idol n’yo!

Abangan!