Advertisers

Advertisers

VP SARA HANDANG SAGUTIN ANG ISSUE NG CONFIDENTIAL FUND?

0 17

Advertisers

HANDA nang sumabak sa impeachment trial ang kampo ni Vice President Sara Duterte. Bitbit nila ang depensa sa isyu ng confidential funds at sa kontrobersyal na alyas na “Mary Grace Piattos.” Ayon kay Atty. Michael Poa, ito na umano ang pagkakataon para sagutin nang harapan ang mga paratang laban sa Bise Presidente.

Nilinaw ni Poa na karaniwan umanong hindi ibinubunyag sa publiko ang detalye ng confidential funds dahil sa usapin ng seguridad ng gobyerno. Ngunit sa impeachment trial, posible raw na mabuksan ang mga ito. Tiwala ang defense team na mapapatunayang walang matibay na basehan ang mga alegasyon ng katiwalian.

Nilinaw ng defense team ni Vice President Sara Duterte na hindi ilalantad sa publiko ang sinumang gumagamit ng alyas na “Mary Grace Piattos” sakaling matuloy ang impeachment trial laban sa ikalawang Pangulo.

Sa isang panayam sinabi ni defense spokesperson Michael Poa na kailangan nilang maging maingat sa paglalantad ng impormasyong may kaugnayan sa confidential funds, lalo na kung intelligence personnel umano ang posibleng sangkot.

Ayon pa sa kanya, maglalagay din daw ito ng kapahamakan sa mga kasalukuyang inteligence operation.

Kung maaalala ang “Mary Grace Piattos,” ay kabilang sa mga isyung binanggit sa mga reklamong impeachment na inihain laban sa Bise Presidente, kaugnay ng umano’y maling paggamit ng confidential funds.

Bukod dito tiniyak naman ng defense team ni VP Sara na handa silang sagutin ang mga paratang, ngunit iginiit na nasa mga nagrereklamo ang responsibilidad na patunayan ang umano’y katiwalian.

***

Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com