Advertisers

Advertisers

MGA BAGONG DUMP TRUCK AT BACKHOE NA BINILI NG ORIENTAL MINDORO LGU, HINAHANAP NG MGA APEKTADO NG BAHA

0 15

Advertisers

UMANI ng katanugan mula sa mamamayan ng Oriental Mindoro ang umano’y mga heavy equipment na binili ng Pamahalaang Panlalawigan para sa pagpalalim sa mga kailogan at mga proyektong pangontra sa pagbaha.

Matatandaan na dumating sa pantalan ng Calapan ang apat na bagong 10-wheeler dump truck, apat na regular backhoe at isang amphibius backhoe na binili ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro noong 2023 ang HINAHANAP ng mga residente na nakakaranas ng matinding baha.

Anila, sinabi umano noon ni Gob. Humerlito “Bonz” Dolor, na ang mga heavy equipment na binili ng Pamahalaang Panlalawigan ay para sulusyunan ang baha, mapabilis ang pagsasagawa ng mga proyektong pang-imprastruktura, kabilang na dito ang mga proyektong may kaugnayan sa dredging at flood mitigation sa buong lalawigan.

Noong Enero 31, 2023 may dumating din na karagdagang mini-dump truck na nabili rin ng Pamahalaang Panlalawigan na hindi na rin umano nila nakikita bagkus lubog pa rin sa baha ang maraming bayan sa lalawigan particular ang bayan mismo ni Gov Dolor ang Naujan, ganun din ang Victoria, Calapan, Baco, Pinamalayan, Puerto Galera at iba pang bayan sa Oriental Mindoro.

Tanong ng mga residente na apektado ng pagbaha kung nasaan na ang mga kagamitang ito bakit naglaho umano na parangbula?

Umaasa naman ang mamamayang mindoreño na mabibigyan ng kasagutan ang kanilang katanugan upang makalakas ang pagtitiwala ng publiko sa mga programang inilaan para sa kapakanan ng lalawigan.

Saga ang akin, hindi kaya natangay na ng rumaragasang tubig baha ang mga bagong heavy equipment na ito na PINONDOHAN ng milyon-milyong piso mula sa buwis ng mamamayan.

Tutukan natin!

***

Anumang reaksyon o suhestiyon i-text sa 09397177977/09368625001 ondi kaya mag email balyador69@gmail.com – Lagi ring tumutok sa programang BALYADOR tuwing biyernes 11:00am-12:00noon sa DWXR 101.7 FM at WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG tuwing martes at linggo 2:30pm-3:30pm sa DWBL 1242 kHz AM band nationwide Mega Manila