Advertisers
INIHAYAG ng Department of Justice (DOJ) na maaaring managot sa batas ang sinumang tumutulong o tumatangkilik sa puganteng negosyante na si Charlie “Atong” Ang.
Ayon kay DOJ spokesperson Polo Martinez, ang pagtulong sa pagtakas ng nahuling tao ay maituturing na obstruction of justice o accessory sa krimen depende sa sitwasyon.
Si Ang ay wanted kaugnay sa pagkawala at pagkamatay ng mga cockfighting enthusiasts at nakatakas sa kabila ng 10 raids sa loob ng isang linggo.
Naglabas na ng ikatlong warrant ang San Pablo City court, habang P20 milyon ang reward ng DILG para sa impormasyong magtuturo sa kanyang pag- aresto.
Lahat ng 20 co-accused niya, kabilang ang dating at aktibong pulis, ay naaresto na.