Advertisers
Ni Beth Gelena
May tsismis na tila raw hinihikayat ng Attorney Rowena Guanzon si Senator Robin Padilla na magtandem ang dalawang personalidad.
Aniya, “Mag Vice President nalang siya kay VP Sara” dahil tyak daw na swak ang dalawa bilang running mate ni VP Sara Duterte sa halalang 2028.
Si Guanzon ay ang dating Comelec Commissioner.
Kamakailan lamang, tila nagpahayag ng paghihikayat si dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon kay Sen. Robin na maging running mate ni Vice President Sara Duterte sa 2028 Elections.
Sa ilang survey daw kasi nangunguna si Duterte sa karera sa pagkapangulo.
Kaya lang ang problema ay nagsalita na si Robin na hindi na siya tatakbo sa 2028 na halalan.
Matatandaang, sa nakaraang pagtitipon sa Malaysia, nangampanya pa siya para sa tandem nina Sara at Imee sa susunod na halalan.
Ayon sa Senador, siya umano ang magiging campaign manager nina Bise Presidente Sara Duterte at Sen. Imee Marcos sa susunod na 2028 eleksiyon.
Si Padilla, na nasa ilalim ng BBM-Sara senatorial slate noong 2022, at siya ang nangunguna sa resulta ng laban sa pagkasenador. Simula nang maupo siya bilang isa sa mga mambabatas sa Senado, paulit-ulit niyang pinatotohanan ang kanyang katapatan kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at sa pamilya Duterte.
Si Sen. Robin ay isa pa rin sa mga miyembro ng tinatawag na Duterte bloc sa Senado na kinabibilangan din ni Sen. Bong Go.
Kamakailan, sa gitna ng mga bulung-bulungan na may isang miyembro ng minority bloc na umano’y sasali sa majority bloc, nilinaw nina Padilla at Go na solido sila sa Duterte bloc.
Hindi maikakaila na ang ilan sa mga panukalang batas na isinulong ni Robin sa Senado ay nakakuha ng atensyon ng maraming tao dahil sa mga titulong Tagalog ng mga ito tulad ng Senate Bill No. 1300 o ang “Anti-Pabebe Act of 2025” na nagmumungkahi ng regulasyon sa social media para sa mga menor de edad. Narito ang ilan sa mga hakbang na iminungkahi ng minoryang Senador:
SBN-237: Batas sa Diborsyo ng Pilipinas: Paggawa ng legal na ganap na diborsyo.
SBN-450: Batas ni Eddie Garcia: Pagprotekta sa mga manggagawa sa industriya ng libangan.
SBN-255: Batas sa Medical Reserve Corps .
SBN-1083: Batas sa Pagsasanay sa Pag-aaprentis ng 2022 .
SBN-451: Kasaysayan ng Pilipinas bilang Isang Hiwalay na Asignatura sa Mataas na Paaralan.
SBN-448: Batas sa Tahanang Pangangalaga para sa mga Nakatatanda .
SBN-890: Batas sa Pag-optimize ng Gobyerno .
Susog sa Batas sa mga Karapatan ng mga Katutubo .
?150 Pagtaas ng Minimum na Sahod Araw-araw para sa mga manggagawa sa pribadong sektor.
Pag-aalis ng Buwis sa Paglalakbay . Pinag-isang Sistema ng Sertipikasyon ng Halal .
Pagtatatag ng mga Silid-dalanginan ng mga Muslim .
Pagbabago ng Saligang Batas (Cha-Cha): Pagsusulong ng mga susog sa Konstitusyon ng 1987, kabilang ang pederalismo.
ROTC: Muling pagpapataw ng Mandatory Reserve Officers’ Training Corps.
Hustisya Kriminal: Iminungkahi ang pagpapababa ng edad ng pananagutang kriminal sa 10 para sa mga karumal-dumal na krimen.
Edukasyon/Social Media: Nag-akda ng “Anti-Pabebe Act of 2025” (SBN-1300) para sa reporma sa maagang edukasyon at iminungkahi ang pagsasaayos ng social media para sa mga menor de edad.
Mga Karapatan ng Muslim: Nag-akda ng Batas sa Paglilibing na Islamiko.
Dinastiyang Anti-Politikal: Aktibong pagpapatupad ng batas.
Sa pamamagitan ng isang post sa social media, iginiit ni Atty. Rowena na kung ayaw nang tumakbo ni Sen. Robin Padilla bilang senador sa susunod na halalan dahil sa umano’y araw-araw na alitan sa Senado, maaari siyang maging running mate ni Vice President Sara Duterte kaya kung mananalo sila, hindi sila mag-aaway.
Sinabi rin ni Atty. Guanzon sa kanyang social media post na ang Visayas at Mindanao ay umano’y para kay Vice President Sara Duterte. Ayon sa kanya, si Sen. Robin Padilla ay sinusuportahan din ng Mindanao at sikat sa Luzon.