Advertisers
HABANG abala sa chaotic situation ng. chronic corruption issues ang malaking porsiyento ng Pinoy sangkot ang maraming top leaders ng pamahalaan, abala rin sa makabuluhang proyekto at activities ang maraming leaders, tanggal-umay sa isyu.
Patuloy na sumisipa sa pag-ariba sa mga laro ng National Basketball League (NBL) – PILIPINAS ang Nueva Ecija Granary Buffalos (NEGB) sa renda ni mentor/support figure Doc ANTHONY UMALI, tutok sa homegrown cagers.
Katatapos ng Batch 1 pro cager-wannabees sa ginanap na tryout, idinaos sa San Leonardo, Nueva Ecija. Kasunod na po nito ang second batch.. Kaabang-abang ang pagsulpot ng bagong cagers na mula sa direktang pagsali sa koponan ay makagagawa ng pangalan sa pro league sooner or later. Heto na ang opportunity para kumumpleto sa line up at makasama sa papalakas na team.
Welcome po sa kanilang circle ang qualified homegrown cagers aged 32 under, born 1994, para sa tryouts. Sa mensahe nilang, ” Do you have what it takes to be a pro basketball player?”, bukas na ang daan para sa mga may potential na gumawa ng pangalan sa basketball. Sa ating future professional basketeers, kailangang magdala ng light and dark jerseys, plus your own water bottle/thumbler, at magsadya sa NEECO II Area 1 Gym, Talavera Nueva Ecija sa darating na Sabado, Marso 7, 2026, 1:00 pm. GOOD LUCK!
Nueva Ecija Coliseum ang official venue ng practice sa Palayan City na current capital ng lalawigan. Ito rin ang isa sa official game venues ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL), founded by boxing icon, World 8-Division Champion MANNY ‘ Pacman’ PACQUIAO na basketball patron in his own right.
Prime support sa NEGB activities ang tandem nina Coach SHERWIN ALLADO at RAM ARAUJO. Inspiring figures naman sa koponan ang idolized players na sina RENZ PALMA, BOBBY BALUCANAG at DONDON ARENAS. Sabi nga ng followers, gabay sa incoming players ang disiplina, kasanayan at kahusayan nila.
By the way, nagkakaroon din po ng merger o pinagsamang grupo ng homegrown cagers dito sa ilang activities kapag naglaro ang NEGB at Team KaibiganNiDoc (Nueva Ecija University of Science & Technology o NEUST at Wesleyan University- Philippines o WUP), varsity/collegiate players.
Sa United Basketball League (UBL) opisyal naman lumalaro ang Team KaibiganNiDoc(KND).Well, with this to consider, obvious na sapat o may bigger circle na panggagalingan ng homegrown cagers para sa Novo Ecijanos. KUDOS!
MARCH HEYDAYS
HAPPY BIRTHDAY to MYRA NIVIAR SANTOS of Gen. Trias, Cavite, to Mam GRACE OMEGA and Mam EMMA VILLANUEVA of Arellano University/Plaridel, NCR. MBTC and Best blessings! HAPPY READING!?