Advertisers

Advertisers

16 lawyers dedepensa kay VP Sara sa impeachment

0 21

Advertisers

PORMAL nang nag-file ng entry of appearance ang kampo ni Vice President “Inday” Sara Duterte-Carpio para sa impeachment proceedings sa House of Representatives.

Labing-anim lahat ang mga ito, kinabibilangan nina Philip Sigfrid Fortun, Gregorio Narvasa ll, Shiela Sison, Carlo Joaquin Narvasa, Justin Nicol Gular, David Ronell Golla Vll, Lindon Miguel Bacquel, Karol Grace Oroceo, Charlaine Radoc, Francesca Marie Flores, Miguel Carlos Fernandez, Michael Wesley Poa, Reynold Munsayac, Mark Vinluan, Ralph Bodota, at Roberto Batungbacal.

Bakit kaya hindi kasama sa defense team ni Inday Sara ang maiingay na DDS lawyers na sina Salvador Panelo, Jimmy Bondoc, Salvador Medialdea, Martin Delgra, Silvestre Bello, Alfredo Lim Jr. at Cesar Dulay? Hmmm… wala sigurong tiwala sa kanila ang pangalawang pangulo? Hehehe…

Ang mga ebidensiya at testigo sa impeachment laban kay Inday Sara ay kasalukuyan nang hinihimay ng House Justice Committee na pinamumunuan ni Batangas Representative Gerville Luistro.

Pramis ni Luistro, tatapusin nila ang impeachment sa loob ng dalawang buwan. Magtatrabaho raw sila kahit sa Semana Santa. Lupet! Tiniyak rin niyang ang lahat ay dadaan sa proseso para hindi na mateknikal pa.

Last year kasi ay dineklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang impeachment laban kay VP Sara.

Sa mga ginagawang ito ni Luistro, nagngingitngit sa kanya si Inday Sara at ang mga DDS.

Pero dedma lang kay Luistro ang mga pang-iinsulto at pambababoy ng mga bastos na DDS.

Pati “utang” nga ng kanyang mister sa law firm ng asawa ni Inday Sara na si Mans Carpio ay isinapubliko.

Kaso walang maipakitang billing si Sara ng pagkakautang ng mister ni Luistro nang hingiin ito ng huli.

Obviously ay kinakabahan si VP Sara na ma-impeach. Kasi nga masyadong malakas ang mga ebidensiya, testimonya ng mga testigo sa mga kasong nakapaloob sa impeachment articles.

At dahil ang impeachment ay isang “numbers game”, talagang delikadong mapatalsik ang pangalawang panglo. Oo! Majority kasi ng mga miyembro ng Kamara at maging sa Senado ay panig na sa administrasyon.

Sa Kamara lamang, siguradong 80 percent ng bilang ng mga kongresista ay boboto ng impeach Sara. Pramis!

At sa Senado, bilang Impeachmenyt Court, lamang ang bilang ng mga senador ng administrasyon.

Ang mga senador na siguradong kakampi kay Sara ay sina Robinhood Padilla, Bong Go, Rodante Marcoleta, magkapatid na Villar (Mark at Camille), Alan Peter Cayetano (ewan lang ang kanyang sister na si Pia), ang mga sangkot sa flood control scam na sina Jinggoy Estrada, Joel Villanueva at Chiz Escudero.

Si Bato dela Rosa, na sure vote kay Sara, ay hindi makalutang dahil natatakot sa balitang ICC arrest warrant.

Si Bong Go ay 50/50 rin na makaboto kapag naisyuhan ng arrest warrant ng ICC bilang co-perpetrators sa kasong Crimes gainst humanity ni ex-President Digong Duterte.

Tingin ko…mai-impeach si Sara kahit higit isangdosena pa ang kanyang lawyers. Wanna bet???