Advertisers

Advertisers

Inagurasyon ng Isabela postharvest facilities, pinangunahan nina PBBM at Speaker Dy

0 8

Advertisers

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang ginawang inspeksyon at inagurasyon bilang pagpapasinaya ng postharvest facilities sa lalawigan ng Isabela kamakalawa.

Layunin nito ay upang palakasin pa ang isinusulong ng gobyerno sa partikular na sa pagpapalakas pa ng ating agrikultura, mabawasan ang pagkalugi gayundin ang maitaguyod ang kita ng mga magsasakq.



“The newly inaugurated facilities represent concrete steps toward improving the productivity and income of Filipino farmers, stressing that infrastructure investments in agriculture directly translate to food security and economic stability,” saad ni Speaker Dy.

“Hindi lang po ito pagbubukas ng mga pasilidad—ito ay pagbubukas ng oportunidad para sa mas maliwanag na kinabukasan ng ating mga magsasaka at ng buong sambayanang Pilipino,” dagdag pa niya.



Ipinunto ni Speaker Dy ang naging kontribusyon at liderato ni Pangulong Marcos Jr.  bilang prayoridad niya sa ating agrikultura at bilang Chief Executive, sinabi ni Speaker Dy na ito ay upang masiguro ang pangunahing hangad ng gobyerno na matiyak ang food security laan para sa tumbayan.

“Kitang-kita natin ang malinaw na direksyon ng Pangulo—ang agrikultura ay hindi pangalawa, kundi pangunahing haligi ng ating ekonomiya,” ani Speaker “Bojie” Dy.



Ang Ambatali Warehouse at drying pavement ay inaasahang mapapabilis ang post-harvest handling habang ang onion cold storage facility naman ay makakatulong upang mapanatiling sariwa ang mga produkto at maiwasan din ang pagkabulok nito at upang mapanatiling sapat ang suplay para matugunan ang biglang taas-presyo ng mga produkto upang maiwasan din ang pagkalugi ng mga magsasaka.

“Sa pamamagitan ng mga proyektong ito, mas mapapabilis ang pagdadala ng ani mula bukid patungong pamilihan, mababawasan ang pagkalugi, at mas mapapahaba ang buhay ng kanilang produkto,” saad ni Speaker Dy. (Henry Padilla)