Advertisers

Advertisers

Atty. Ferdie Topacio, Buking Na Ang Klase Ng Pagkatao Ni Ogie Diaz, Anlakas Ng Loob Na Mang-Okray Ng Legacy Ni Topacio; Direk Dante Balboa Nagbubunyi Sa Patok Na Latest Movie!

0 45

Advertisers

Ni Peter S. Ledesma

Sa ipinatawag na get together ni Atty. Ferdinand Topacio sa mga kaibigan sa entertainment media. Napag-usapan si Ogie Diaz at mga birada nito sa sikat at magaling na abogado ng bansa. Porke’t ipinagtanggol lang ni Atty. Topacio si Cong. Bong Suntay sa isyu nito kay Anne Curtis. Bumubula, na ang bibig ng mayabang at feeling untouchable na baklitang vlogger(Ogie). Tinawag niyang matanda si Topacio, samantalang hindi naman sila nagkakalayo ng edad nito. At grabe ang pagiging ilusyunada, para parangalan pa ang nasabing lawyer-film producer(Topacio) tungkol sa legacy na dapat iwanan raw nito sa tao. Wow, para bang pagka-ubod naman ng linis at maganda ang maiiwan na legasiya ng bading na ito. Ano ba ang iiwanan mo yung maliban sa pagiging tsismosa mo ay mahilig kang magpower-tripping sa mga artista na gusto mong tirahin. Big example, diyan ay ang Gomzaga sisters(Toni and Alex Gonzaga). Si Toni, naturingang kumare mo, pero tinalo mo siya. So anong dapat itawag sa iyo?

Now going back to Atty. Topacio, sinabi nitong akala niya magkaibigan na sila ni Ogie matapos nitong okrayin ang produced nilang movie sa Borracho Film Productions na “Mamasapano.” Na kaya raw ito pinapanood ay dahil namimigay sila ng pagkain.

“Kasi ‘di ba noon sinabi niya, ‘yung ‘Mamasapano’ daw nagbibigay kami ng libreng pagkain para panoorin lang. Hindi naman niya alam, kasama sa package ‘yon doon sa Uptown Mall.

“Malalim, eh. Pero kinalimutan ko na ‘yon. Nagkamay na kami sa birthday ni Pilar Mateo. Kumanta pa ako, deddicated sa kanya(Diaz). Akala ko bati na kami. So wala na akong sinasabi, ‘di ba? Bungad pahayag pa ng longtime friend naming abogado.

At dahil feeling niya ay okay na sila ni Ogie. Noong tawagan siya ng businesswoman from Cebu na si Aida Patana na kilala rin sa social media. Tumanggi si Atty. Ferdie na hawakan ang kaso na gusto nitong isampa kay Ogie Diaz.

“Alam niyo, sa totoo lang ha! Tumawag sa akin sometime ago si Aida Patana, nagsumbong na humingi raw si Ogie ng 2 milyon sa kanya para pasikatin ang kambal(Sheila & Sheina) nitong mga anak. Gusto raw niyang idemanda si Ogie Diaz.

“Sabi ko kay Aida. ‘Aida hindi ko na pwedeng patulan si Ogie.

“So ganoon tayo makipag-usap. Eh, bakit naman ito, hindi naman siya ang involved, nakisawsaw pa siya,” sabi pa ni Atty. Topacio. At patuloy pa nito,

“Ako, kaya ako nakisawsaw sa usapin ni Cong. Suntay, dahil ‘yun ay tungkol sa impeachment ni VP Sara Duterte at ako, bilang opisyal ng Partidong Demokratikong Pilipino(PDP Laban). I am the spokesman on speechment matter, as well as the Deputy Natiomal Spokesman.

“Katungkulan ko ‘yung magsalita tungkol sa impeachment ni Sara Duterte.

“Eh, bakit bumanat siya? Alam mo, doon lang lang kasi, parang hindi lalaki kausap si Ogie ano? Kasi ako, kapag sinabi mong magkaibigan tayo, kinamayan mo ako, wala ka nang maririnig sa akin. Ngayon alam ko na ang nature ng pagkatao ni Ogie.” Prangka pang pahayag ng five star lawyer.

Now, doon sa legacy ni Atty. Topacio na may patutsada si Ogie. Heto magbasa ka. Aside sa pagiging very responsible father to his children at napagtapos ang mga anak. Na itong son na si Jose Topacio III, ay isa ng certified lawyer. Atty. Topacio is good son to his both parents. At ipinaglalaban niya ang ating bansa. At malaking tulong ang Borracho Film Productions nito sa movie industry. So what about you Ogie Diaz?

***

Feeling heaven si Direk Dante Balboa na itong latest film niyang “Graduation Day” topbilled by Jeric Gonzales and Elizabeth Oropesa. Patuloy itong nakatanggap ng positive reviews at kumikita sa takilya. Makailang ulit itong ibinalik sa mga sinehan. Pagbibida pa ni Direk Dante ay nasa 3rd week na ang latest directorial film.

At least hindi man big budgeted itong Graduation Day ay kumikikita. Aba’y kinabog pa ni Balboa ang Viva Films na majority ng ipinalabas na movies, ay flopsina sa takilya. Dapat bigyan ng malaking bunos si Direk Dante ng kanyang producer, na hindi ako kilala at isnabero sa akin. Inyo pa ring mapapanood ang Graduation Day, sa Rockwell Cinema, Century Mall Cinema Poblacion, Makati, at sa Vista Cinema(Taguig, Evia, Bataan, Pampanga, Dasma, Malolos, and Nomo).