Advertisers

Advertisers

GRETCHEN AT SHAINA INIINTRIGA

0 13

Advertisers

Ni Beth Gelena

Mainit na pinag-uusapan ngayon ang pagiging super close nina Gretchen Barretto at Shaina Magdayao.

Marami kasi ang nakapansin na lagi raw magkasama mapa-local man o abroad, at pati na rin sa derma clinic ang dalawang aktres.

Napapaisip tuloy ang netizens kung saan nga ba nagsimula ang kanilang pagiging ganito ka-close.

May ilan tuloy ang naghahanap ng koneksyon at iniisip kung nagkatrabaho ba sila sa isang proyekto na siyang naging dahilan ng kanilang closeness.

Hindi naman naiwasan ng iba na magtanong lalo na doon sa may malisyosong pag-iisip na may “something” umano sa dalawa?

Pero marami rin ang nagsasabi na baka naman talaga ay solid friendship lang ito.

Komento ng netizens: “Wala naman sa idad yan kung magkaibigan kayo wag nalang bigyan ng malisya grabe naman mas masarap kasi kaibigan yung my idad sayo marami ka matutunan”

“April fools malabo mangyari yan hahhaahhaa Si Gretchen pa hello very friendly lang talaga sila .ako nga mga kaibigan ko eh halos mga Seniors na babae eh mas ok kasama mga mas me experienced sa buhay madami ka matutunan . Kaya mas gusto ko mas may edad sakin mga tropa ko hehehhee”

“Porke magkatabi sa picture may relasyon agad? Grabe talaga mag isip mga tao ngayon.”

“Mag BFF yan noon pa”

“Masarap kaibigan ang mapera at mas may edad sayo ..lalo si gretchen ay generous na tao yan kahit maldita .”

“Parehong nalink kay john loyd cruz”

“ano nayan lahat nlang binibigyan ng intriga ang pagoging close ng isang tao sa kapwa,babae porke ba nauso ngayon ang lgbt lahat nlang ba ng close na kapwa babae may relasyon agad wala na talaga iba na talaga ang mundo ngayon pag naging close ka sa lalaki may relasyon agad pag naging close ka naman sa kapwa mo babae ganon den ang tingin ng mga tao napapagkamalan den na may relasyon so saan naba tayo lulugar”