SUGAL, NAMAMAYAGPAG SA ORIENTAL MINDORO SA KABILA NG “UTOS” DILG SEC. REMULLA NA ITIGIL ITO? (PART-8)
Advertisers
Inanunsyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) noong Lunes April 6, ang mas mahigpit na pagpapatupad ng pagbabawal sa alak at pagsusugal sa mga pampublikong lugar habang inilulunsad nito ang “Safer Cities Initiative”.
Sa isang press briefing, sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na ang programa ay palalawigin pa sa iba pang malalaking urban centers sa buong bansa.
Matapos ang pahayag kahapon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) patungkol sa pagpapaigting na gawing ligtas ang mga kalye sa buong bansa ay nakapagtala agad ng nasa kabuuang 437 na mga indibidwal ang nahuli ng mga operatiba ng Quezon City Police District.
Isinagawa kahapon ng gabi ang Oplan Bulabog/Galugad operations sa kahabaan ng Villareal St., Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City at sa 15 pang ibang lugar sa nasabing lungsod.
Umabot sa 60 na indibidwal ang nahuli matapos ang pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar at kalsada habang 33 indibidwal naman ang nahuli matapos mag-videoke ng lagpas ng 10 ng gabi.
213 naman ang nahuli para sa paghuhubad sa mga pampublikong lugar at 131 na mga menor de edad naman ang nahuli matapos lumabag sa curfew hours.
Nasa kabuuang 398 na indibidwal naman ang nabigyan ng citation tickets para sa traffic violations at city ordinance violations na may inaasahang makakakolekta ng nasa 437 libong piso.
Kung saan ang lahat ng mga lumabag ay inisyuhan ng Ordinance Violation Receipts (OVR) on-site.
Kudos at mabuhay ka QCPD Director PBGen Randy Glenn Silvio,Sir!
Samantala mistula namang mga paralisado na hindi makakilos ang mga opisyal sa Oriental Mindoro Police Provincial Office (OrMin PPO) at Police Regional Office MIMAROPA na sugpuin ang mga salot at perwisyong sugal sa Perya na nasa pampublikong lugar na pinagpiyestahan gabi-gabi ng mga sugarol, adik at mga kabataan ang hindi bababa sa 200-mesa ng “color games, pulat-puti, at drop ball” na nakalatag malapit sa mga barangay hall, palengke, munisipyo, istasyon ng pulis, simbahan at plaza sa bayan ng Mansalay, Victoria, Pola, Bansud, Bulalacao, Bongabong, Baco, Naujan, Gloria, Roxas, Pinamalayan, San Teodoro, Socorro, at Calapan City, Oriental Mindoro sa kabila ng mahigpit na “utos” ni DILG Sec Remulla na i- “ban” ang sugal, geng-geng, inuman sa kalye, videoke at pagpapatupad sa curfew hours sa mga kabataan bagkus lalo pang lumala na animoy parang kabute na naglipana sa nasabing probinsya dahil sa “proteksyon” at “basbas” nina alyas Sgt. Manalo, Sgt. Raymond, Sgt. Nonoy, at Sgt. Leynes na mga naka talaga umano sa tanggapan ni Oriental Mindoro Provincial Director PCol Edison Revita, PRO4B Regional Director PBGen Jovencio Badua at CIDG-4B Regional Field Unit ayon sa ilang Peryante nahihingan ng “goodwill” na umaabot umano sa P150k hanggang P200k bukod pa umano ang “weekly payola” sa bawat perya.
Sinabi din ng ilang Peryante na “moro-moro” ang mga isinagawang raid sa kanila ng mga kapulisan sa tuwing may nagrereklamo dahil tuloy pa rin umano ang kanilang gambling operation na tinawag nilang “SOP” o “Budabil”. Tsk.Tsk.Tsk…
Matatandaang ipinag-utos ni PNP Chief, Gen. Jose Melencio Nartatez Jr ang malawakang sibakan sa lahat ng mga tiwaling opisyal ng PNP kasunod ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr na ibalik ang integridad sa pulisya
Take note: mga tiwali at pasaway na PULIS lang.
Ayon kay “Tateng”, maituturing na operational order ang panawagan ng Pangulo sa mga kurap na opisyal ng kapulisan.
Ayon sa police insider, t’yak na tatamaan umano sa direktibang ito kong hindi kikilos si Col Revita at Gen. Badua maging ang CIDG-4B Regional Commander ng MIMAROPA.
“The President’s message is a clear marching order. It is a call for a total internal cleansing. We take this as a mandate to strengthen integrity at all levels—mula recruit hanggang senior officers. We will be unforgiving against the scalawags who tarnish the badge,”- ani Nartatez.
Alinsunod ito sa panawagan ni Pangulong Marcos Jr sa mga graduate ng Philippine National Police Academy “Silang Paglaom” Class of 2026 sa ginanap na commencement exercises. na panindigan ang disiplina at tulungang palayasin ang organisasyon sa kurapsyon.
“Our commitment is to ensure zero tolerance for any misconduct. We will not just reshuffle the erring cops, we will remove them.” – ani Nartatez
Subaybayan natin dahil hindi lang sugal sa Perya at talamak sa Mindoro province kundi maging ang iligal na droga at sunod-sunod na patayan!
***
Anumang reaksyon o suhestiyon i-text sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email: balyador69@gmail.com