Advertisers

Advertisers

Mayor Isko: Local panaderos apektado ng krisis makatatanggap ng P25K subsidy sa Manila LGU; presyo ng tinapay pananatilihing stable

0 9

Advertisers

Ipinatawag ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso ang mga local panaderos sa lungsod upang pulungin matapos maapektuhan na rin sa lumalalang suliranin sa pagtaas ng presyo ng mga sangkap sa paggawa ng tinapay.

Ayon kay Mayor Isko , ipinatawag niya ang mga community bakery dahil gusto niyang tulungan dahil ang pandesal aniya ay simbolo ng almusal ng pamilyang Pilipino ,mapamahirap man o mayaman.

Ang mga lokal na panaderya sa lungsod ay makakatanggap ng P25,000 sa subsidy mula sa pamahalaang lungsod kapalit ng pangakong panatilihin ang presyo ng mga pangunahing tinapay tulad ng pandesal pan de lemon monay at Spanish bread sa susunod ng 30 araw

Dagdag pa ng alkalde layunin ng tulong na ito na bigyan ng sapat na puwang ang mga panaderya upang kakanin ang tumataas na gastusin nang hindi ipapasa ang dagdag na gastos sa mga mamimili.

Aniya bagamat hindi ito pangmatagalang solusyon nagsisilbi itong pansamantalang suporta ng gobyerno sa harap ng pandaigdigang krisis.

Nangako rin si Mayor Isko na makikipag-usap ito sa Department of Energy (DOE) matapos banggitin ni Chito Chavez ,Pangulo ng Asosasyon ng Panaderong Pilipino (APP) na sana ay magkaroon ng alokasyon ng LPG para makagawa ng pang-araw-araw na tinapay sakaling dumating ang panahon na magkaroon ng shortage tulad noong 2002-2003.

“Sana kami po ay mabigyang pansin at matulungan kung magkaroon ng malaking suliranin tulad dito sa mga bakery owners na magkaroon ng alokasyon ng Lpg para makagawa ng pang-araw araw na tinapay dahil ang estado ngayon ng community bakery ay bumaba ng bumaba”, pahayag pa niya.

Si Chavez na nagsisilbing tagapagsalita rin ng industriya ng 30 taon na ay inilarawan ang inisyatiba ng pamahalaang lungsod na makasaysayan.

Nagpasalamat din si Chavez kay Mayor Isko sa pagkilala at pag-aaruga sa industriya ng pagtitinapay.

Sinabi rin ni Chavez sa Manila City Hall Press Club na, sa loob ng 30 taon sa industriya, ngayon lang siya nakakita ng lokal na pamahalaan na nagbigay ng ganitong direktang suporta sa mga panaderya lalo sa panahon ng krisis.

Malaking tulong din aniya ito upang maitaas ang moral ng mga panaderos at maprotektahan ang mga mamimili mula sa dagdag nilang pasanin.

Nauna nang nanawagan si Chavez sa mga lokal na panaderya na panatilihin ang presyo upang maprotektahan ang mga konsumer mula sa karagdagang pasanin ngayong nakakaranas ng krisis ang lahat. (Jocelyn Domenden)