Advertisers

Advertisers

Libreng isda ipinamahagi sa mga residente ng Navotas City

0 11

Advertisers

Namahagi ng libreng isda sa mga residente ng lungsod ng Navotas bilang bahagi ng tulong na hatid sa gitna ng patuloy na hamon ng krisis.
Sa pangunguna ni Navotas City Vice Mayor Tito Sanchez, nagsagawa ng pag-iikot sa iba’t-ibang lugar ng lungsod kung saan personal na inabot sa mga Navoteño ang sariwang isda, kasabay ng iba pang tulong tulad ng pandesal, tsinelas, gamot, at burger.
Layunin ng inisyatiba na kahit paano ay maibsan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng mga residente, lalo na ang mga pamilyang higit na apektado ng kasalukuyang sitwasyon.
Ayon sa pamunuan, bagama’t hindi sapat ang ganitong tulong upang matugunan ang lahat ng pangangailangan, umaasa silang nakapagbigay ito ng pansamantalang ginhawa at dagdag lakas ng loob sa komunidad.
Hinikayat din ang publiko na patuloy na magtulungan at manatiling matatag sa kabila ng mga pagsubok.(Beth Samson)