Advertisers

Advertisers

DILG Sec. Remulla mga nakahubad lang ba ang kaya mong ipaaresto? Paano ang mga Pergalan sa Bulacan

0 49

Advertisers

In fairness kay Department of Interior and Local Goverment (DILG) Secretary Jonvic Remulla naging matagumpay ang kampanya nito para sa katahimikan ng Sambayanan bumaba ng halos 3 porsiyento ang ibinaba ng kriminalidad sa buong bansa. Good Job Sec. Jonvic

Umaabot na pala sa 60k katao ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng DILG laban sa mga pasaway sa lansangan tulad ng curfew sa mga kabataan, pagiinom sa mga kalsada, pagsusugal at ang higit sa pumukaw ng atensiyon ng Sambayanan ay ang mga kalalakihang nakahubad yung tipong walang suot na pang itaas na damit. Very Gud DILG at PNP sana magtuloy tuloy at hindi ningas kugon lang.

Alam kaya ng DILG at PNP ang mga KTV Bar hindi lang sa Metro Manila kundi sa buong bansa ay tila legal ang pagpapalabas ng Bold Show yung tipong pati saplot ni Eva ay inaalis para ipakita ang katambukan nito sa mga parukyano hindi lang sa mayayamang negosyanteng Pinoy pati na rin sa mga dayuhang turista at may Bar Fine pa. Hindi na siguro kailangan pang banggitin ng mga Ka Usapang Hauz ang mga pangalan ng Beer House partikular sa Pasay ang mga ilegal na gawain. Arestuhin nyo mga boss hindi yung puros nakahubad sa kalsada ang target nyo!

Sa dami ng mga naareesto mga Ka Usapang Hauz ay bigyan po natin ng masigabong palakpakan ang DILG at PNP sa matagumpay nilang kampanya VS sa mga pasaway sa lansangan, kung kaya’t nais nating hamunin ang mga nabanggit na ahensiya sa Lalawigan ng Bulacan kung saan ay tila legal ang Perya con Sugalan (PERGALAN).

Gustong tumulong ng mga Ka Usapang Hauz kay DILG Secretary Remulla upang ipabatid sa kalihim ang matagal ng inererklamong Pergalan sa Bulacan at kung saan saan ito mga naka puwesto.

Sec. Remulla Sir para sa iyong kaalaman ang Bayan ng Meycauayan sa may Saint Francis ay may Mini Carnaval at di mahulugang karayom ang nalolokong indibidwal sa pagsusugal tulad ng color games, drop ball at kung ano-ano pang suntok sa buwan kung manalo ang isang mananaya at isang Alias Egay ang tumatayong may-ari ng ilegal na sugalan

Hindi lang sa Meycauayan Secretary Remulla ang tila legal na Pergalan ito ay nasa Bakas Marilao at isa namang Adrian ang mayari nito, wala ring pinipiling parokyano pag may pangtaya maski menor de edad at estudyante ay pwede yung tipong pera pera lang walang personalan.

Sa Bayan naman ng Baliwag isang Nagngangalang Aljon ang siyang sinasabing mayari ng Pergalan, ang sistema naman nito Sec. Jonvic inaabot ng Madaling Araw ang labanan rito kung kaya’t walang curfer curfew sa mga kabataan rito dahil sumasabay sila sa ginagawa ng matatanda, tanong asan ang mga pulis?

Naku muntik ng malampasan para ipagbigay alam sa butihing Kalihim Jonvic Remulla na tatlo pala ang naglalakihang Pergalan sa Bayan ng Marilao bukod sa Pergalan ni Alias Adrian ay meron din pala sa Frenza na isang Alias Eddie ang kinakausap para sa timbrehan mula sa mga Brgy. Officials at PNP para maging smooth ang galawan.

Bukod sa Saint Francis sa Meycauayan ay meron rin palang inilagay na Pergalan itong si Egay at ito ay nasa bisinidad ng Marilao Tulay, nakakapagtaka lang kung bakit hindi ito magalaw galaw ng kapulisan samantalang may kautusang ibinaba ang DILG at inatasan nito ang PNP na buwagin ang lahat ng klase ng mga ilegal na gawain.

Huwag na nating gambalain pa si Bulacan Gobernor Daniel Fernando dahil last term na niya ito at posibleng hindi na aaksiyon pa sa problema ng lalawigan, maski na rin si PD Col. Jay Baybayin ay di na rin ito dapat pang istorbohin sa kanyang tanggapan para ipatigil ang pergalan sa kanyang nasasakupan dahil nakakahiya sa kanila di ba mga Ka Usapang Hauz?
***
Para sa Inyong Puri at Puna maaaring magemail sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o mag text or tumawag sa 09352916036